Oct 14
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Jake at Roxanne, dinidiktahan ng isasagot sa press

NAALIW kami sa eksena ng pagkikita nina Diether Ocampo at Tintin Hermosa sa backstage ng Meralco Theater nu'ng Tuesday night. Tinutukso sila ng ilang handlers ng Star Magic na magtabi naman sa nakahilerang upuan na nu'ng una'y nagdadalawang-isip pa si...

 

Jake at Roxanne, dinidiktahan ng isasagot sa press

Column: Bading
Author: Ogie Diaz

NAALIW kami sa eksena ng pagkikita nina Diether Ocampo at Tintin Hermosa sa backstage ng Meralco Theater nu'ng Tuesday night.

Tinutukso sila ng ilang handlers ng Star Magic na magtabi naman sa nakahilerang upuan na nu'ng una'y nagdadalawang-isip pa si Tintin hanggang sa pagbigyan nito ang mga handler.

Huling beses na nagkita sila'y nu'ng birthday ng executive ng ABS-CBN na si Deo Endrinal nu'ng first week ng November.

Kaya, sinamantala namin ang pagkakataon at tinanong kung may nararamdaman pa ba si Tintin kay Diet?

"Ako ba dapat ang tanungin diyan? Ako, oo, meron pa rin. Siya ang tanungin mo kung meron pa siyang nararamdaman," sey ni Tintin, na dinig na dinig naman ng katabing si Diet.

Dahil panay ang ngiti at iwas ni Diet, hindi rin niya sinagot nang diretso ang tanong namin.

"Basta natutuwa ako, dahil okay kami. "

May gano'n?

* * *

NAKATAAS pa rin ang kilay ng mga press sa naging pahayag nina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca sa magkahiwalay na interbyu tungkol sa isyung split na sila.

Kung si Jake, ang sabi'y "I don't wanna talk about it. Bast we're okay. We're in good terms," si Roxanne naman ay, "Naku, ayoko po munang pag-usapan 'yan!" ang sagot.

Gano'n na ba kahirap sagutin ang tanong na yes or no lang naman ang kailangang isagot kung bakit puro ka-showbiz-an naman ang maririnig mo?

Ano ba 'yon? Nag-usap silang dalawa kung ano'ng sasabihin sa press?

Feeling namin, merong "nagturo" sa dalawang ito kung ano ang dapat isagot sa press. At feeling namin, may kinalaman ito sa "career move" ni Jake.

Siyempre nga naman, magkakaroon na siya ng Palos. Action star na ang dating niya, kaya kailangan, "available" siya sa sinumang babae.

Kaya "pinapatay" na ang "loveteam" at pakikipagrelasyon kay Roxanne. Teka, parang hindi naman kung kani-kaninong babae nali-link si Jake, eh.

Buti na lang, birthday ni Jake sa December 30, kaya birthday gift na lang namin ang pagbibigay namin sa kanya ng "benefit of the doubt. "

* * *

NAPANOOD namin 'yon. Pinabilib nang husto ni Jed Madela ang hosts ng ASAP '07 nang ibirit niya ang version niya ng O, Holy Night na nakakalokah ang taas ng tono.

Kaya nga hindi na kataka-taka kung bakit siya tinaguriang 'The Grand Champion Performer of the World. '

Huling-huli sa kamera ang reaksyon ng Concert King na si Martin Nievera at Gary V. sa performance ni Jed.

At ayon nga sa studio audience, 'makapanindig balahibo ang nakapagandang pag-awit ni Jed!' Ang superb performance na 'yon ng tinatawag ding 'The Voice' ay kalat na kalat na rin sa Internet.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit best selling din ngayon ang Christmas album ni Jed na The Voice of Christmas, na binigyan ng iba't ibang areglo ang 13 cuts na nakapaloob dito.

Nakilala ang pangalang Jed Madela nang mapagwagian niya ang grand prize sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) noong 2005.

Kaya isang espesyal na 'karoling' ni Jed ang kanyang handog sa mga tagahanga.

Ang konsyertong Christmas with the Voice ay gaganapin sa Teatrino, Promenade, sa Greenhills, San Juan, sa Disyembre 20.

Kasama bilang special guest si Gayle Blanco, muling ipamamalas ni Jed ang world-class performance sa 'one-night only and limited seats' show na ito.

Tickets are priced at P2,000 and P1,500. For inquiries, call 0917-8993154, 0917-8661966 and 0919- 8605828.

This is presented by Fortune Care Insurance Co. , Metastone, and sponsored by Zaccariotto Cucine, HBC, Uratex, Drs. Manny & Pie Calayan of Calayan Surgicenter, Evergreen Cereal, Kiddo Funwear, Karrglas, Sy Clan Learning and Leadership Center, Fidelity Steel Manufacturing, Hicor Manufacturing Corp. , Sicilian Express, Lendrop Ads Concept, Tempura Grill, Artist Concept and Robert Lester of Digital Profile.

Source: People's Tonight