|
|
| Jake, inggit sa kayamanan nina Kim at Gerald!![]() Author: Rey Pumaloy ANG magkaroon ng matatag na kinabukasan ang dahilan kung bakit isinusubsob ni Jake Cuenca ang sarili niya sa trabaho. Prangkahang sinabi ni Jake na hindi babae ang prayoridad niya ngayon. Pag-amin ni Jake, hindi raw sila mayaman, dahil ang kanyang pamilya ay mga empleyado rin sa iba't ibang kumpaniya. Wala raw silang negosyo. Itinuwid nga ni Jake ang impresyon sa kanya na hindi naman niya kailangang magtrabaho, dahil mayaman ang pamilya niya. Sabi pa ni Jake, tulad din siya ng ibang artista ng ABS CBN 2 na nangangarap ding magkaroon ng magandang buhay, o makaipon ng pera at magtayo ng negosyo, at makabili ng sariling bahay at lupa. Hindi itinanggi ni Jake na dalawa na ang condo unit na nabibili niya. Pero, ang magkaroon ng sariling bahay raw talaga ang ambisyon niya. “Iba pa rin kasi 'yung meron kang house and lot. Kasi 'yung condo naman puwede mong paupahan. At saka, kung sakaling magkaroon ako ng pamilya, gusto ko silang itira sa house and lot,” sambit ni Jake. Pag-amin pa rin ni Jake, bilib na bilib siya sa mga co-stars niya sa Tayong Dalawa na sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Si Kim Chiu raw ay may sarili na ring bahay sa isang magandang subdivision sa Quezon City, na nagkakahalaga ng mahigit sa sampung milyong piso. Si Gerald daw ay ganun din, na nakapagpundar na rin ng sariling bahay. Inamin ni Jake na naiinggit siya sa isa pang kasamahan niya sa Tayong Dalawa na si Alessandra de Rossi, na naka-acquire raw ng one hectare na lupa sa bandang Tandang Sora. Sabi ni Jake, ang mga achievements na `yon ng mga kasamahan niya ay ginagamit niyang inspirasyon. “Ang love life kasi, puwede namang i-set aside 'yan. Ang importante, i-grab natin ang opportunity na minsan lang dumarating sa buhay ng isang tao,” pahayag na lang ni Jake. Source: Abante |