Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jake, nakipag-date kay Mrs. Lacson!

Jake, nakipag-date kay Mrs. Lacson!

Author: Abante

KUNG gaano raw katagal na ginawa ni Jake Cuenca ang Tayong Dalawa sa ABS-CBN, ganun na rin siya katagal na walang karelasyon.

Sabi ni Jake, masyado raw kasi siyang focus sa trabaho, at sa karakter niya bilang Dave Garcia.

“Mas mahirap kasi ngayon, mas marami ang nangyayari sa character.

Mas lalong hindi ka dapat bibitiw sa character. In terms of sacrifice, I can say, oo, ang daming na-sacrifice personally. Like 'yung family ko, umuwi kailan lang, pero parang inintindi na lang din nila ko na 'yung focus ko, more on my character and the show pa rin,” sabi pa ni Jake.

So, kung mahigit anim na buwan na ang Tayong Dalawa, mahigit anim na buwan na rin siyang tigang sa pag-ibig?

“Wala, eh. Siguro feeling ko rin, parang nagdaan na rin ako sa ganoon. So, ngayon hangga't may trabaho, may mga opportunities dito muna ko.”

Ano na ang nangyari kay Melissa Ricks?

“Hayun, busy nga siya. Busy rin ako. Mahirap din kasi 'yung mga schedules namin. Nagkakausap pa rin naman kami from time to time. Pero kahit ako rin naman, kung ako rin ang magbibigay ng advice sa kanya, sasabihin ko rin sa kanya na i-prioritize niya ang career niya, kasi ang ganda ng nangyayari sa career niya.

“At saka, sa ngayon, sobrang blessed nga ako. So, feeling ko deserving lang din na sa career ko lahat ibuhos.”

Pero may usap-usapan na kaya raw siya tumigil sa panliligaw kay Melissa ay sa dahilang hindi boto sa kanya ang nanay nito?

“Actually, nakilala ko naman ang mommy ni Mel at masasabi ko naman na sobrang bait. Medyo nakikita ko sa nanay niya, kaya siguro naging ganoon ka-eleganteng babae si Melissa ay dahil na rin sa nanay niya.

“Well, kung totoo man 'yun, hindi ko naman mabi-blame rin ang nanay ni Mel. Siyempre, mahirap din naman na... ang sa akin naman kasi, alam ko naman ang unang impression ko sa ganyan. Ang daming na-link sa akin in the past at parang hindi ako 'yung boyfriend material sa mata ng magulang. Hindi agad-agad pero, ang sa akin naman, kapag nabigyan ako ng pagkakataong makilala ako, kapag mahal ko ang isang babae, siyempre ang una kong gagawin, liligawan ko ang magulang.

“Respeto na rin 'yun sa isang babae. At maganda rin na tanggap ka ng magulang.”

Eh, sila ni Bea Alonzo, bakit hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nag-uusap? Eh, magkasama naman sila sa ASAP. May unsettled issue ba sila?

“Well, sana mabigyan ng pagkakataon sa future na magkausap kami.

Pero, hindi naman kami magkaaway. Siyempre ako, I have nothing but praises for Bea. Kumbaga noong makita ko nga siya, kinongratulate ko siya dahil maganda ang movie niya.

“Kapag nagkikita naman kami, nagbabatian kami. Hindi na nga lang kulad dati na nagkakakuwentuhan.”

Sa nakaraang Star Magic Ball ay si Jodi Sta. Maria-Lacson ang naka-date niya. Anak ni Sen. Lacson ang mister ni Jodi, at siya naman ay binatang-binata.

Wala ba talaga siyang nabitbit na kahit isang single lady sa ball?

“Wala kasing date si Jodi. Wala rin ako, at ako na rin ang nagsabi sa kanya na kami na 'yung magka-date,” natatawang sabi na lang ni Jake.

Source: Abante