Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jana masama ang loob kay Alfred

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

MATAGAL nawala sa showbiz si Jana Roxas at nang makita namin ulit sa presscon ng Ikaw Sana, napansin naming ang laki ng ipinagbago ng katawan at kutis nito.

Mas gumanda at su-meksi, pero bakas pa rin ang lungkot dahil sa kabi-guang dinanas kay Alfred Vargas.

"Matagal ko rin itong itinago at inilihim para 'di na lumaki ang gulo. Si-guro mauunawaan din niya ako kung bakit pa ako nagsasalita," bungad ni Jana.

"Nasaktan talaga ako nang i-deny ako ni Alfred . Ang sakit- sakit. Napanood ko siya sa TV at itinanggi niya ako.
"
Walong buwan kami at alam 'yan ng mga taong nasa paligid niya. Pero, nang magpa-interview siya sa TV ay itinanggi niya ako. Ang sakit at hindi ko napi-gilan ang umiyak habang ini-interview siya (Alfred Vargas) sa TV.

"Hanggang ngayon, kapag naalaala ko ang ginawa niya sa akin ay naii-yak ako dahil masakit. Wala akong nalalaman na nagawa para gawin niya 'yon sa akin," patuloy ni Jana.

Pagkatapos ng hirap ng loob at pag-iyak ay napagtanto ni Jana na walang mangyayari kung magmumukmok lang siya sa bahay. Nagpasalamat siya sa GMA-7 at isinama siya sa Ikaw Sana with Mark Herras, Jennylyn Mercado at Pauleen Luna, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Nakatsikahan din na-min sa presscon si Mark at aminado ang young actor na muling bumalik ang magagandang alaala nila ni Jennylyn.

Sa tanong kung posibleng magkabalikan sila, aniya: "Hindi ko naman iniwanan at pinaba-yaan si Jen. Nandito lang ako lagi kapag kailangan niya. Nanatili kaming magkaibigan at hindi ito magbabago pa kahit na makahanap na siya ulit ng lalaking magpapatibok ng kanyang puso. "

Samantala, hindi naitago ni Direk Joel ang kasiyahan dahil muli silang nag-kasama-sama sa Ikaw Sana nina Jen, Mark at Pauleen. Ang tatlong ito rin ang mga bida niya noon sa Blue Moon na naging entry ng Regal Films sa MMFFP.

Bale reunion daw nilang apat ang Ikaw Sana na ang theme song ay kinanta ni Ogie Alcasid at magsisimu-la nang mapanood sa Sept. 21.

* * *

IPAMIMIGAY ni Heart Evangelista ang wedding gown na ginamit niya sa Ngayon at Kailanman sa mapalad na caller sa Cool Center sa Sabado ng gabi, hosted by Anjo Yllana at Eugene Domingo.

Due to insistent public demand, nagbabalik sina Shivaker at Mr. Cariñoso sa first live radio talk show on TV at ano naman kaya ang ibibigay na payo ng dalawa sa televiewers? At siyempre 'di mawawala ang laging inaabangan sa show na Hubad na Katotohanan with surprise sexy guest together with Mae dela Cerna, ang sexy dancer.

Darating din sa show ang cast ng Ikaw Sana na sina Mark, Jennylyn , Pauleen, Vaness del Moral, Jana Roxas at iba pa sa Sabado pagkatapos ng Im-bestigador.

* * *

ANO kaya ang motibo ng nagkakalat na buntis si Melissa Ricks?

Sabi ng ilang showbiz press, napakababa raw kasi ng rating ng show ni Melissa na Katorse kaya ginagawan ng isyu para mapag-usapan.

Pero, kung ang pagbu-buntis ni Melissa ay naganap lang sa teleserye nito, tapos ipagkakalat na buntis ang dalaga, aba, 'di nakatutuwa 'yan.

Bagkus ay nakakainis dahil niloloko nila ang publiko. Isa pa, 'di na kina-kagat ngayon ang ganyang gimik para mapag-usapan ang isang artista.

In fairness kay Melissa, maganda at may future siya sa pag-arte kaya hindi na siya kailangang gawan ng isyu na hindi makatutulong sa showbiz career niya.

Sino kayang cheap ang nag-isip ng gimik na 'yan?

Baka sa halip na gumanda ang career ni Melissa, ito pa ang maging dahilan para lumamlam ang kanyang career.

Source: Taliba