Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jana ready nang mag-pose sa men's magazine

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

MALUHA-LUHA pa rin si Jana Roxas kapag iki-nukuwento ang eight months relationship with Alfred Vargas.

Nakausap namin si Jana sa presscon ng Ikaw Sana, kung saan may importanteng supporting role ang star.

Ayon kay Jana, ikinasama ng loob niya ay kahit wala pa raw closure sa kanila ni Alfred ay na-kiki-pagmabutihan na raw ang actor sa Pinay-Italian GF nitong taga-Laguna.

Napatunayan ni Janna ang relasyong ng aktor sa ibang babae nang ipahanap niya kung nasaan si Alfred sa mga kaibigan nu'ng panahong may tampuhan sila.

Ayon sa kuwento ni Jana, kinausap daw siya ni Alfred at sinabing hindi muna sila magkikita dahil magmumuni-muni ang aktor.

'Yun naman pala, ayon sa report ng kaibigang spy ni Jana ay nasa NAIA si Alfred at sinusundo ang bagong GF galing ng Italy.

"Alam ko idinideny ako ni Alfred na naging kami sa loob ng walong buwan. Pero nagsasabi ako ng totoo. Kasi, pumasok ako sa buhay niya nu'ng wala na sila ni LJ (Reyes). Super-bait kasi ni Alfred. Maunawain pa. Sino ba ang babaing hindi mahuhulog angloob sa kanya," malungkot na balik-tanaw ni Jana.

Anyway, naka-recover na umano ang dalaga sa masaklap na relasyon kay Alfred.

At sa kanyang pagiging broken-hearted ay madali tuloy siyang nakapagbawas ng timbang.

Super-sexy siya ngayon sa timbang na 110 lbs. kumpara sa dating 130 lbs.

Tiyak na kapag nakita ni Alfred ang sexy figure nga-yon ni Jana ay maglaway ito, huh!

Mula rin nang mawala si Alfred sa buhay ni Jana ay biglang bumongga ang career ng young star kaya ang katwiran niya, career muna at saka na ang love.

Balak din niyang sundan ang yapak ni Jackie Rice na magpa-pictorial sa men's magazine.

Inulit ni Janna na mahal niya ang GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng projects sa Kapuso Network.

* * *

ITINANGGI ni Mark Herras na siya ang dahilan kung bakit nag-split sina Pauleen Luna at Dennis Trillo.

Sa presscon ng Ikaw Sana, starring Mark, Jennylyn Mercado at Pauleen, sinabi niyang magkaibigan lang sila ni Pauleen.

Walang katotohanan na muli niyang nililigawan ang dalaga.

Ang ipinagdiinan niya, baka ang muling ma-rekindle ay ang pagmamahal niya kay Jennylyn dahil mag-kakasama sila sa bagong soap na ito ng GMA-7.

Inamin din ni Mark na ang tunay na dahilan ng split-up nila ni Jen ay dahil napuno umano ito sa pagi-ging "babaero" niya.

Kahit kasi sila na ni Jen noon ay nali-link pa siya sa ibang babae.

Ngayon ay inamin ni Mark na "special" pa rin sa puso niya si Jen at masaya siya sa pagiging close friend kay Jen.

In fact, Ninong Mark ang tawag sa kanya ng anak ni Jen kay Patrick Garcia na si AJ.

Ang soap na Ikaw Sana ang masasabing biggest test sa loveteam nina Mark at Jen dahil pang-primetime na sila.

* * *

PATULOY na dumarami ang suporta sa kandidatura bilang senador si Tourism Secretary Joseph "Ace" Durano mula sa iba't ibang grupo sa buong Pilipinas.

Ang pinakabagong nagbigay ng suporta kay Durano ay ang Association of Tourism Officers of the Phils. (ATOP), isang nationwide association ng tourism officers na nagsisilbi sa local governments.

"Tiyak na magiging magaling na senador si Secretary Durano. Siya ay masipag na lider at down-to-earth public servant. Tunay na kaiba siya sa mga naunang tourism secretaries," ani ATOP president Roselyn Merlin.

Nauna nito, inendorso rin ng Philippine Hotel Federation na pinamumunuan ni Nicole Morris ang kandidatura ni Ace.

Pinuri niya si Durano bilang isang namumukod tanging lider "na bumaba sa grassroots level para makipag-usap at komunsulta sa mga opisyal ng turismo sa uri ng suporta na kailangan nila para mapaunlad ang turismo para makalikha ng mas maraming trabaho at negosyo sa bawat bayan at syudad. "

"Iniendorso namin ang kanyang kandidatura bilang senador dahil alam namin na mas marami siyang magagawa at matutulungan" ani Merlin.

* * *

FIRST time dumayo si Dingdong Dantes sa set ng Show Me Da Manny.

Hindi siya nagbantay sa dyowang si Marian Rivera kungdi guest siya sa show.

Aba, riot sa katatawanan ang pagpunta ni Dingdgong sa sitcom.

Lalabas kasi siyang commercial photographer at nakita niya sa lugar nina Manny ang mga character na babagay sa commercial na inihahanda niya.

Natural ang babaing tinutukoy niya ay si Marian at ang lalaki ay si Pacman.

Hindi naman daw nagselos si Manny sa istorya ng sitcom na mapapanood this Sunday.

* * *

MASAYA ang Bubble Gang ngayong Biyernes dahil guest ang sexy star na si Michelle Madrigal at ang Japanese actor na si Jackie Woo.

Makakasama ang dalawa sa gag tungkol sa nakatutuwang reaction ng isang tao kapag nakita sa basurahan ang isang paboritong gamit.

Makakasama rin nina Michelle at Jackie ang BG barkada na sina Ogie Alcasid, Michael V, sexy girls na sina Rufa Mae Quinto, Francine Prieto at ang mga guwapong sina Antonio Aquitania at Wendell Ramos.

Source: Taliba