| | Janelle Jamer says she's in good terms with Willie Revillame Author: Ador Saluta Nakausap ng ABS-CBN.com ang comebacking singer at dating Wowowee co-host na si Janelle Jamer sa hallway ng ABS-CBN studio 3. Dumaan siya roon para gulatin ang mga dating co-hosts ng Wowowee na sina Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion. Ibang-iba ang aura ni Janelle since she left for the USA almost a year ago. That day (February 20) ay guest singer si Janelle sa Singing Bee. Mas gumanda, pumayat at sumeksi, ayon na rin sa comment ng mga narooon na dating nakasama ni Janelle. Part daw ng kaniyang singing career ang pagpapa-sexy. "Look, pumayat na ako, di ba?" pagmamalaki niya sa kaniyang bagong figure. February 3 dumating si Janelle sa Pilipinas at bitbit niya ang demo ng kaniyang album na ni-record nito sa Atlanta,Georgia under Paranormal Records. Si Bryan Keith ang gumawa ng kaniyang track-album at ito rin ang black singer-composer na boyfriend ni Julie Vaughn, ang naka-discover kay Janelle last year while jamming sa Pilita's bar with friends. "She (Julie) was here that time para dalhin sana ang Georgia Boys dito for a concert," bungad ni Janelle.
Last June 2008 pa nabalitang nag-fly si Janelle sa USA for better opportunities. Lingid sa kaalaman ng lahat, nag-Europe tour ito doing concerts sa mga TFC natin doon. "First three months ko roon, sa brother ko (Rez Jamer) ako nakituloy. He's 27 years old at may plano ding mag-singer," pagmamalaki pa ni Janelle sa brother nito. After three months, sa bahay ni Julie na siya nakituloy. "Nag-aral ako ng belly dancing, hip-hop, kaksi ang uso do'n, nagda-dance while singing, parang Beyonce at Britney Spears," sabi pa ni Janelle. "Kumuha din ako ng voice lessons, hindi yung kung paano kumanta, but to control voice sa isang studio, kasi iba ang studio ro'n na, hindi basta nagngangangawa," natatawang kwento nito. While in the States, Janelle learned to be positive in many ways. "Isipin mo lagi na magtatagumpay ka dito, na, malalampasan mo ang mga pagsubok. Lagi kasi akong nagbabasa ng books, gaya ng The Secret, talagang mababago ang mga panananaw mo sa buhay. Mapapatawad mo 'yong mga nagkaroon ng kasalanan sa 'yo, maiintindihan mo sila kung bakit nine-nega ka nila. Nalaman ko na mas marangal at isang Kristiyano ang magpatawad." Habang andito sa kaniyang own house-and-lot sa Quezon City muna siya nagi-stay pero may balak din itong ibenta ito para sa negosyo. "Nag-aral din kasi ako ng cooking kaya't posibleng eatery business ang pasukin ko."
Janelle's hoping, and with her co-producer, Julie Vaughn na maging successful ang album na kanilang ginawa sa USA dito sa 'Pinas and hopefully sa Asia kung saan target nilang i-launch ang kaniyang album para huwag na siyang malayo sa kaniyang motherland, sa 'Pinas. "Ang balak, sa Singapore ang launching, para bongga!" excited pang balita ni Janelle. Kaya't right timing daw na masalubong nito si direk Bobet Vidanes noong minsang mayroon siyang meeting sa ABS-CBN at inimbitahan siyang dumalaw sa show ni Cesar Montano. After The Singing Bee, willing naman daw siyang mag-guest sa Wowowee kung imbitahin siya. "Okay lang," sabay ngiti ng nagka-comeback na singer-actress. "Alam n'yo, hindi naman kami magka-away ni Papi (Willie Revillame) at hindi rin rin siya galit sa akin," pagtatapos pa ni Janelle.
Source: ABS-CBN Interactive |
|