Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Janice, kinorek ang tsismis na matsutsugi na ang 'Sis'

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Nahihiyang aminin ni Janice de Belen na siya ang bida sa indie flick na Last Viewing ng Davis Entertainment Production. Awkward daw dahil matagal siyang hindi gumawa ng pelikula, tapos pagbalik niya, lead role ang ibinigay sa kanya ni Direk Ronnie Bertubin.

Akala ni Janice, sexy movie ang in-offer sa kanya dahil sa title at nang mag-report siya sa shooting nalaman kung ano ang ibig sabihin ng title. Sa August 5 ang showing ng movie at may premiere night sa July 28, sa Cinema 6 ng SM Megamall.

Samantala, graduating sa October si Janice ng culinary arts at sa cooking show niyang Spoon sa Net 25, napapraktis niya ang natututunan. Napanood namin nang mag-guest si Gabby Concepcion na sabi ni Janice, ngayon niya na-realize kung gaano kaguwapo ang actor na nakarelasyon niya dati.

Tinapos na rin ni Janice ang tSiSmis na "matsutsugi" na ang SiS, hindi totoo ang balita at mananatili ito sa ere. Pati ang tsikang iiwan ni Carmina Villarroel ang show para lumipat sa ibang network ay 'di raw totoo.

"Eight years na ang SiS at every year may balitang ganyan. As for Carmina, nagkaroon ng big campaign ang ini-endorse niyang product at kinailangang mag-promote siya sa ibang stations. Wala kaming problema sa show. "

* * * Nag-relocate mula sa Sydney, Australia at namumuhay mag-isa rito ang 22 years old hip hop singer na si Je-rome Pagaduan o si jMore para subukang magkapa-ngalan bilang singer-composer.

Siya ang composer ng English/Tagalog songs sa kanyang debut and self-titled album, produced ng LDG Productions & Entertainment at distributed ng Galaxy Records.

Ang Panaginip ang carrier single ng album na dedicated sa crush niyang si Maja Salvador dahil type niya ang girls na maganda na'y, magaling pang magsayaw. Nag-front-act na siya kina Gary Valenciano, The Champions at Martin Nievera. Favorite niya sina Sarah Geronimo at Jay-R sa boses at si Billy Crawford sa performance.

Graduate ng Certificate I, II, III, IV Government Fraud sa Sydney University si jMore at twice champion ng Muay Thai sa Thailand, pero mas malakas ang kaway sa kanya ng singing at tina-likuran ang lahat. Natutong magluto at tinitiis nito ang lungkot na malayo sa pa-milya para lang sa kanyang pangarap.

Mabilis patawanin si jMore at nag-enjoy sa jokes ni Ai-Ai delas Alas na tinawag niyang "funny," "hilarious," "great," "one of a kind" at "a comedian with a good heart. "

* * *

Sa pagpapatuloy ng Kay Tagal Kitang Hinintay episode ng Dear Friend, nang madiskubre ni Rachel (Sunshine Dizon) ang totoong rason sa hindi pagsipot ni Michael (Polo Ravales) sa kanilang kasal, siya na ang lumapit sa lalaki at humingi ng tawad at naging friends uli sila. Kahit mahal pa ng dalaga ang ex, wala na siyang magagawa't malapit na itong ikasal sa iba.

Isang rebelasyon ang gugulat kay Rachel at magtutulak sa kanyang tanungin si Michael kung mahal ba siya nito? Ano ang isasagot ni Michael? Malalaman 'pag pinanood ninyo ang Dear Friend mamaya after S. O. P.

Hindi pala sa Dear Friend huling mapapanood ang tambalan nina Sunshine at Polo dahil may gagawin pa silang isang mas matinding soap.

* * *

Walo na lang ang natitirang contenders ng Are You The Next Big Star? pagkatapos ma-vote-out sina Bobby Solomon at Cara Quiapos. Five weeks to go na lang before the finale at nag-promise sina Camille Cortez, Alex Castro, Greggy Santos, Jay Perillo, Geoff Taylor, Frencheska Farr, Zyrene Parsad at Alexa Ortega na mas gagalingan ang performance para manatili sa contest at mapanalunan ang malalaking prizes na nakalaan.

Para kay Camille, sina Frencheska at Zyrene ang mahigpit niyang makakalaban, sina Greggy at Geoff ang mahirap kalaban para kay Jay. Si Alexa, isa kina Alex at Gregg ang gustong manalo sa lalaki at si Geoff, type niyang manalo either si Camille o Frencheska.

Si Alex, si Alexa ang type manalo at nakakaamoy kami ng romansa sa dalawa sa sinabi nitong saka na niya ito liligawan after the contest. Isa kina Jay at Geoff ang hula ni Frencheska na mananalo dahil parehong magaling sa pagkanta at may stage presence.

Si Greggy, isa kina Frencheska at Alexa ang gustong manalo sa babae. Hindi nga lang sila ang pipili ng winners kundi ang judges at viewers.

* * *

Sa mga gustong sumali at manalo ng P2 million sa Who Wants to be a Millionaire ng TV5, may audition mamaya sa Robinson's Ermita, 10 a. m. to 3 p. m. Ang mga mag-o-audition ay magdala ng Slenda Blister pack para sa registration at para sa Western Union card holders, magdala ng proof of transaction gamit ang Western Union Gold card o mag-text ng Gold <space> date of transaction mm/dd/yy at ipadala sa 2256.

Sa gustong manalo, pumunta sa Robinson's Ermita at tiyaking may dala kayong requirements. Si Vic Sotto ang host ng WWTBAM, napapanood 6 p. m. , every Saturday sa TV5.

Source: People's Tonight