|
|
| January birthday celebrators ng ABS-CBN Star Magic hahataw sa Year of the Rat![]() Author: People's Taliba GEMMA FRITZGERALD Katatapos lang ni Gemma na mag-pose para sa cover pictorial ng UNO magazine last year. Hindi naman mahirap kay Gemma ang ganitong mga pictorial basta't importante namaganda ang pagkakagawa. Malapit na rin siyang mag-pictorial para sa Maxim para sa summer issue kung saan kasama niya ang Koolchx. Nakatakda rin na magshow si Gemma kasama ang kanyang kapatid sa Ratskys. 22 years old na si Gemma noong Enero 1. MELLISA RICKS Ang unang teamup niya kay Matt Evans sa Pedro Penduko ang naging daan kung saan siya na-kilala bilang Reyna Hiyas. Nasundan pa ito ng ilang proyekto tulad ng Love Spell at Shake, Rattle and Roll. Isang Penshoppe endorser si Melissa at gagawa ng isa pang Komiks serye soon. Nag-18 years old si Melissa noong January 9. CELINE LIM Kasama rin siya sa comedy show na That's My Doc bilang si Butching. Walong taon na siya noong Enero 10. MIKEE LEE Sinubukan rin niyang kumuha ng SAT exam sa U. S. at naging isa sa 97% na estudyante na nakapasa. Honor student si Mikee at aktibo sa debate at Math team. Bukod sa pagiging achiever sa school, achiever rin si Mikee sa showbiz. Gusto ni Mikee na magtuluy-tuloy ang kanyang career at magkaroon ng financing business. 18 years old siya noong Enero 14. FRAZ YAP Wish niya ay malayo siya at ang kanyang pamilya sa anumang karamdaman. 13 years old na si Fraz noong Enero 12. JASON ABALOS Maswerte siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mga kilalang pangalan sa industriya tulad nina Judy Ann Santos at Maricel Soriano. Nakagawa na rin siya ng indie film na Endo kung saan napansin ang kanyang pag-arte. Na-nominate siya bilang Best Actor at naimbitahan na dumalo sa Nantes Film Festival sa France noong isang taon. Mag-uumpisa na rin siyang gawin ang isang episode ng Your Song kasama sina Erich Gonzales at Heart Evangelista. 22 years old na si Jason noong Enero 14. JR SIABOC Kung dati'y suki ng mga mall shows sa kanilang lugar, ngayon at isa na rin siyang artista. Hindi hilig ni JR ang sumali sa mga contest pero dahil naging mapilit ang kanyang mga kaibigan at pamilya, nagpunta na rin siya sa SM Cebu at nag-audition sa PDA and the rest is history. Sinubukan rin niya ang actingat unang sabakniya ang Your Song kasama si Maja Salvador. sinundan pa ng Pangarap na Bituin at Patayin sa Sindak si Barbara. Isa naman siya sa secret agent na si Enzo sa Palos. 21 years old na si JR noong Enero 21. PANKY TRINIDAD Isa nang Star Magic artist si Panky at mapapanood sa ABS-CBN shows sa darating na mga araw. 22 years old nasi Panky noong enero 21. EJ JALLORINA Napili naman siya bilang isa sa lead actor sa indie film na Pisay. Naging challenge sa kanya ang role pero naipasa naman niya ito with flying colors. Nakatakdang umalis si EJ papuntang France para ire-represent ang Pisay sa international film festival. Noong Enero 21, 15 years old na si EJ. KIAN KAZEMI Gusto ni Kian na makagawa ng isang comedy show mala-Palibhasa Lalake. Bukod sa Kung Fu Kids kung saan isa siyang pulis na si Teban, nag-host rin siya para sa Trip na Trip. Ang half-Pinoy at half Persian na si Kian ay 21 years old na noong Enero 26. RONNIE LIANG Ang balladeer na mula sa Angeles Pampanga ay nagpunta sa Maynila para subukan ang swerte sa PDA. Regular siya sa ASAP at most requested song ang kanyang awiting Ngiti na nasa unang album niya. Uumpisahan na niya ang kanyang pangalawang album ngayong Feb. o March. Birthday niya noong Jan. 31 and he's 23 years old. Source: Taliba |