|
|
| Jason ayaw makialam sa relasyong Maja /Carlo![]() Author: Veronica R. Samio Suwerte naman ni Erich Gonzales dahil silang dalawa ang ibi-build-up ng ABS-CBN at magsisimula ang kanilang pagtatambal sa isang buwang episode ng Your Song: Ang Soundtrack ng Buhay Mo. Makakasama nila si Heart Evangelista. Isang love triangle ang story involving a successful career woman, na iniwan ng lalaking inasahan niyang magpapakasal sa kanya, ang kaibigan na nag-ahon sa kanya sa kalungkutan at ang assistant niyang may pagmamahal sa kanyang kaibigan. Bagaman at malungkot si Jason sa kinalabasan ng kanilang loveteam ni Maja, sinabi nito na desisyon yun ng management, wala siyang karapatang tumutol, kailangan lamang niyang sumunod sa mga ipinagagawa ng network sa kanya. "Pero, may communication pa rin kami ni Maja, binati niya ako nung birthday ko. "Okay lang kung hindi kami ila-loveteam, nawawalan kasi ako ng trabaho kapag may ka-loveteam. Gusto ko sarili ko muna ang iintindihin ko," sabi ng guwapong aktor na umaming komportable na siya kay Maja at minsan ay niligawan niya ito pero, binasted siya. Dahil ba kay Carlo Aquino na balitang ka-on nito ngayon? "Ayoko na silang pakialaman kung totoo man ito," katwiran niya. * * * Samantala, wala namang pagsidlan ng kaligayahan si Heart Evangelista, nakabalik na siya sa kanyang pamilya. Katunayan, kasama niya sila nung Pasko at Bagong Taon. "Three years din akong hindi nakapunta sa aming bahay," simulang kuwento ng girlfriend ni "Ipinag-shopping niya kami ng sister ko ng tig-isang bag. Me, I gave him a pair of shoes as my gift. "I also gave him a Christmas card from Echo. He read it naman and said 'In Time' which raised her hope dahil parang nakikinita na niyang malapit na nitong matanggap ang boyfriend niya. When asked kung may pagbabago na sa mga plans nila ni Echo, sinabi ni Heart na kung marriage ang tinutukoy ko ay wala pa raw. "If ever, I will probably marry when I'm 25, I am only 23 years old now," katuwiran niya. Maraming plans si Heart. Bibisitahin niya ang sister niya sa Meron din siyang gagawing isang indie film na ididirek ni Edd Palmos. Hopefuly, baka ma-release na ang bagong album niya by February. Meanwhile, busy siya sa taping ng Your Song with Jason at Erich. * * * Ayaw din patalo ng Zaido Pulis Pangkalawakan ng GMA7. Mayroong bagong kontrabida na papasok sa serye at gagampanan ito ng isang Japanese actor, si Tomoyuki Tai. Ang pagkakasama niya sa serye ay magbibigay ng isang interesting at kakaibang flavor sa serye na inaabangan na ng maraming bata. * * * Kung ang mga bata ay nasanay nang abangan gabi-gabi ang Zaido, ang mga adults, parang masayang nagagawa silang takutin ni Jodi Sta. Maria sa Patayin sa Sindak si Barbara na kung saan hanggang kamatayan ay panay pa rin ang pagseselos nito sa kanyang iniwang asawa (Albert Martinez) at sa kapatid niya sa ama (Kris Aquino) na unang naging kasintahan ng kanyang asawa pero nagparaya sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob dahil kinupkop ito ng kanyang ina (Susan Roces). Ang maganda sa serye, matatapos ito sa takdang panahon na nakalaan para rito (three weeks) kahit pa maraming request para ma-extend ito. * * * E-mail: veronicasamio@yahoo. com Source: The Philippine Star |