|
|
| Jason, âdi nakikialam sa TFAuthor: Nitz Miralles Isa sa cast members ng Pieta ang Best Actor ng indie film na Endo, si Jason Abalos. Tinanong itey ng yours truly kung nagtaas na ba siya ng talent fee? âHindi ko po alam (laughs). Hindi ko po pinakikialaman ang talent fee ko, eh,â natatawang pakli nitey. Naku, Jason, dapat kang makialam para âdi matulad kina Joross Gamboa, Valerie Concepcion at Jennylyn Mercado na âniyariâ diumano ng isang matagal nang staff ng manager ng mga itech na si Becky Aguila. Repeat, âdiumano,â ha, tsuk! Dumating din sa Pieta preskon ang mag-asawang Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa. Si Direk Carlo kasi ang may likha ng Pieta, na noon ay pinagbidahan sa pelikula ng yumaong aktres na si Charito Solis at yumao na ring action star na si Ace Vergel. Sa Oct. 27, bibigyang buhay naman ito sa telebisyon nina Cherie Gil at Ryan Agoncillo. âNuâng unang nakita ko ang trailer, sabi ko, bakit si Ryan, eh, takot âyan kay Juday, pero nuâng makita ko âyung acting niya, sabi ko, ito ang babagay sa role ni Rigor. Magagamit niya ang tapang niya ngayon. Kailangan niya si Alfie (Lorenzo, Judayâs manager). âAh, nagpapasalamat ako sa ABS-CBN at nagkabalikan kami sa pamamagitan ng Pieta,â ang ilan sa mga katagang binitawan ni Direk Carlo sa privilege speech during the Q&A portion. âDirek, ikaw na ba ang masasabing pinaka-masuwerteng nilalang sa balat ng telebisyon ngayon because youâre having the best of both worlds sa Kapamilya at Kapuso Networks with Gagambino and Pieta?â hirit na tanong ng yours truly. âPinakamasuwerteng lalaki sa balat ng lupa dahil nandiyan si Donna Villa, eh (laughs). Pero bilang pinaka-masuwerte, palagay ko, tatanawin kong pinaka- malaking utang na loob sa mga kaibigan ko sa media na mula sa komiks, sa pelikula, sa Siyete at sa Dos, nandiyan sila at tumutulong. Duân pa lang, masasabi kong ako na ang pinakamasuwerteng tao,â sey ng butihing komiks novelist. Incidentally, kasama rin sa Pieta si Lance Raymundo, na hindi namin nakilala dahil nawala na ang kulut-kulot nitong buhok. Dati, napagkakamalan itong dyowa ni Madam Auring noon, si Archie, pero ngayon, astig na ang dating ni Lance, dahil sa skin-head look. âActually, nuâng nagpakalbo ako, eto âyung during the time na nakabalik ako sa showbiz, so, itâs not really a career move. âNagkataon lang na ganito ang itsura ko at mas madaling makakuha ng roles, pero personally, gusto ko lang mag-change ng image. Yeah, I know that showbiz image matters most,â katuwiran ni Lance, na sa Pieta ay hindi na mukhang singer, kundi astig na kontrabida. Well, good luck to your new look, Lance, tsuk! Source: People's Tonight |