Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jay-R at Krissa Mae, magdyowa na!

Jay-R at Krissa Mae, magdyowa na!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

HINDI malaman ni Jay-R kung sasagot ng “Yes” or “No” nang tanungin namin kung girlfriend na niya ang baguhang si Krissa Mae na na-link din kay Polo Ravales.

Guests kasi sila sa taping ng All Star K last Wednesday at dahil hindi pa sila isinasalang, ikot sila nang ikot sa GMA building na laging magkasama.

Si Krissa Mae ang babaing unang na-link kay Jay-R nang maghiwalay na sila ng kanyang long-time girlfriend. Although una nang itinanggi ng singer ang relasyon sa baguhan, baka nagbago na ang ihip ng hangin base sa aming obserbasyon, dahil mukha talaga silang magdyowa, ha!

At saka, kung wala silang relasyon, madali namang itanggi 'yon, huh! Pero hindi nagawang itanggi ni Jay-R 'yon!
***

Kayod agad-agad si Jaya matapos manganak sa bunso nilang anak ni Gary. Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nang manganak siya kaya keri na niyang mag-taping sa All Star K.

Habang kachikahan namin ang Soul Queen, tinanong niya kami kung okey lang ba siyang umarte. Why not? Uso naman ang multi-tasking sa mga singers ngayon.

“Gusto ko rin namang umarte noon pa. Artista rin naman ang nanay ko kaya hindi puwedeng hindi ko rin pasukin 'yon. I have to adjust nga lang sa taping sche­dules,” pahayag ni Jaya sa amin.

Pero kung siya ang masusunod, gusto niyang comedy ang gawin niya.
***

Walang bonggang selebrasyon para sa 30th anniversary ng Eat Bulaga ngayong taong ito. Pangunahing layunin ng programa ang ibalik sa tao ang biyayang tinanggap ng programa sa tatlumpung taon nito sa telebisyon.

Unang programa ng EB ang E-Best Excellence Awards na pinakikinabangan ngayon ng 30 estudyante mula sa mahihirap na pamilya. On-going naman ang pamimigay ng pera ng Bulaga sa daily raffle sa mga tao. Isang milyong piso ang nakalaan sa susuwertihing manonood.

Kasunod nito ang part 2 ng Kaserola ng Kabayanan sa iba't ibang lugar sa probinsiya.

Sa mga susunod na buwan, may mga malalaki pang sorpresa ang EB sa manonood kaya watch lang kayo nang watch ng show.
***

Sina Maja Salvador at Mark Anthony Fernandez ang mga bida sa episode na ididirek ni Rico Gutierrez sa bagong Shake, Rattle & Roll movie na Filmfest entry ng Regal Films.

Tungkol sa possession ang tema ng episode na next week na sisimulan ang shooting.

Eh, forte rin ni direk Rico ang paggawa ng horror, kaya dagdag na challenge sa kanya ito lalo na't first mainstream film niya ito.

Nasa likod din pala ng bagong Ang Panday si direk Rico, pero sa creative department siya naka-assign.
***

Hinding-hindi talaga puwedeng isnabin ang mga horror movies and stories ng Regal. Basta ganyang konsepto, hinding-hindi mauubusan ang think tank ng kumpanya lalo na si Mother Lily kahit na nga takot siya 'pag multo na ang pinag-uusapan!

So kung last year's anniversary, ang Kulam ni Judy Ann Santos kasama si Dennis Trillo ang offe­ring ng Regal with Jun Lana at the helm, ang horror flick na Tarot ang ilalabas sa August 26.

Impressive ang trailer ng movie na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dennis Trillo at mula pa rin kay Jun Lana. Mapapasigaw ka sa takot at damang-dama sa acting ni Marian ang katatakutan, huh! Tarot nga pala ang tawag sa card na ginagamit sa panghuhula.

Sa August 8 nga pala, ilang araw bago ang birthday ni Marian, bibigyan siya ng magarbong party ni Mother Lily!
***

Madrama ang mga eksena ngayong gabi sa Rosalinda. Sa paglaya ni Soledad (Glydel Mercado), hahanapin niya si Javier (Gary Estrada) na kinagisnang ama ni Rosalinda (Carla Abellana).

Magkita na kaya ang mag-ina? 'Yun nga lang, muling may hahadlang sa pag-ibig ni Rosalinda kay Fernando Jose (Geoff Eigenmann).

Source: Abante