|
|
| Jay-R balak magpalaki ng 'nota'Author: Gerry Ocampo MAY nagulat at hindi makapaniwala sa naging pahayag ni Jay-R nang kunin siya at si Pops Fernandez na bagong celebrity endorser ng Calayan Surgicenter ni Doc Manny Calayan. Kaya raw siya pumayag maging Calayan endorser ay para magpalaki ng 'nota. ' Tanong ng reporter sa kanya kung kailangan pa ba niyang magpa-enlargement gayong walang takot na rumampa siyang naka-underwear sa isang show kama-kailan sa SMX Convention Center. Tawa lang ang isinagot ni Jay-R sabay sabing: "No, kidding aside, Doc Calayan is a good person and very generous. Maganda ang offer at kailangan naman naming mga singer at artista na pangalagaan ang katawan at hitsura. "Body scrub at skin care ang gagawin sa akin ng Calayan Surgicenter. Kailangan ko 'yun dahil sa paglabas ko sa TV show like SOP every Sunday. "One year ang contract ko sa Calayan at maganda ang TF. Sabi ko nga, gene-rous si Doc Manny. Isa pa naging kaibigan ko siya magmula nang mag-duet kami sa Celebrity Duets na sinalihan sa Siyete," say ng R&B prince ng bansa. Samantala, wala naman daw problema kay Pops na maging endorser ng Cala-yan kahit na may kontrata rin siya sa Mikaela. Ayon sa manager ni Pops, slimming daw ang kontrata ng singer sa Mikaela samantalang skin care naman ang sa Calayan Surgicenter. Natawa kami nang sagutin ni Pops ang isyu na sinabihan daw siya ni Jomari Yllana sa burol ni Douglas Quijano nang, "You look good. " Sagot daw kasi kaagad niya kay Jomari, "Nakakainis nga. Wala akong make-up. " Inamin din ni Pops na hindi siya binigyan ng pagkain ni Jom sa burol ni Tito Dougs samantalang si Ara Mina ay pinagsilbihan ng aktor. "Oo nga, hindi ako binigyan. Kahit nga tubig 'di ako dinalhan," natatawang sagot ni Pops. Pero pahabol ng concert queen, huwag nang big-ya ng malisya ang nangyari. Anyway, friends naman daw sila ngayon ni Jomari. * * * TULUY-TULOY pa rin ang selebrasyon ng 59th anniversary ng GMA-7 sa SOP ngayong Linggo. Darating ang mga ar-tistang hindi nakadalo sa Araneta Coliseum, tulad ni Robin Padilla, kasama ang cast para sa farewell ng Totoy Bato. Mayroon ding launching ng All My Life nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, birthday celebration si Daiana Meneses, at back-to-back album launch nina Pops Fernandez at Kris Law-rence. Ang pagbabalik ni Katrina Halili at ang mapapalad na nakapasok sa final ng Are You The Next Big Star? and special spotlight edition. * * * SA dinner ni Daniel Razon para sa PMPC ay pinagdiinan ni Mr. Public Service na kaya malapit ang loob niya sa entertainment writers ay dahil nang magsimula siya sa broadcasting ay entertainment reporters na ang nakakasama at nagbibigay ng suporta sa kanya. Bilang ganti sa suporta ng press people hanggang ngayon, nagbibigay siya ng once a month free medical, dental, gamit na exclusively para sa mga kapatid sa hanapbuhay. Sa August ay gagawin na niyang every Sunday ang medical mission for the entertainment press para mas lalong makatulong sa mga hindi nakakarating sa once a month session. Hindi tuloy maalis sa isip ng reporters na pag-hahanda sa election ang ginagawang pagtulong sa mga press ni Ka Daniel. "Sa last day ng November ang filing of candidacy. Doon ninyo malalaman ang katotohanan. Wala akong balak lumahok sa election dahil I'm a seated cong-ressman, pero hinihingan ako ng P3 milyon para makaupo at pormal na maproklama," paliwanag ni Mr. Public Service. "Bakit ako magbibigay ng tatlong milyon? Ibibili ko na lang ng mga gamot para gamitin sa free me-dical mission. Mas lalo akong makatutulong kapag wala ako riyan sa Congress or anumang posisyon sa gobyerno," mataray na sagot ni Kuya Daniel Razon. * * * KUMUNSULTA kay Mr. Cariñosa at humingi ng payo sa isang love expert sa Cool Center, ang first live radio talk show on TV, hosted by Anjo Yllana at Eugene Domingo this Saturday pag-katapos ng Imbestigador sa GMA-7. Ipamimigay naman ni Dennis Trillo ang kanyang Bongo drums kapalit ng may pinakamaraming nunal sa mukha sa Tawag ng Pangangailangan segment ng naturang talk show. Magkikita na ang look-a-like ni Jennica Garcia at Marvin Agustin sa Wanted Honey portion. Tumutok lang sa CC para magkaroon ng chance to win P10,000 worth of groceries. * * * IBINUKO ni Almirah Muhlach na naging syota ni Aga Muhlach si Ruffa Gutierrez na tumagal ng anim na buwan. Nakipagkalas daw si Ruffa dahil narinig nito kay Amalia Fuentes, tita ni Aga, na nag-uwi ng napakagandang babae si Aga sa kanilang bahay. Nagkaroon din ng ugnayan si Ruffa kay Robin Padilla. Pero hindi rin nagtagal dahil napagtanto ni Ruffa na hindi sila para sa isa't isa. Pagdidiin nitong nang ma-link siya kay Binoe ay binata pa ito noon. Kung nagkaroon ng relasyon si Ruffa kina Aga at Robin, nanligaw din daw pala ang dalawang aktor kay Kris Aquino. At si Robin ang pinili ni Kristeta. Hindi pabor sa pakiki-pagrelasyon kay Robin ang mother ni Kris na noon ay Pangulo pa ng Pilipinas na si Tita Cory. Gayunman nagpatuloy ang magandang pagtitinginan ng dalawa hanggang sa mapagtanto na rin ni Kristeta na hindi rin sila para sa isa't isa ni Robin. Ang mga pangyayaring 'yun ay isa sa mga remarkable love story sa showbiz na limot na ngayon ng publiko. Source: Taliba |