|
|
| Jay-R, lilipat sa Dos!Author: Ogie Diaz 'WAG na tayong ma-shock kung from SOP ay mapanood na natin sa ASAP '08 ang R&B Prince na si Jay-R. Ang alam namin, noon pa gustong mag-ober the bakod ng kampo ni Jay-R sa ABS-CBN, 'yun nga lang, hindi pa rin ito pinayagan ng Siyete. Mag-e-expire na sa June ang kontrata ni Jay-R at ang dinig namin, wala nang contract renewal na magaganap. Aba'y ngayon pa lang, parang gusto nang isumpa ng detractors itong si Jay-R. Na kesyo wala raw utang na loob. Juice ko, pinagtrabahuhan naman ng tao 'yon. Hindi naman kumapit sa kung kani-kanino si Jay-R sa Siyete para magka-show. May talent naman 'yung bata, mahusay kumanta at malakas ang appeal sa mga bakla (isiningit talaga ang kabadingan? Hehehe!). Kaya dapat, walang sumbatan. Mas i-wish n'yo ng good luck 'yung tao kung sakaling lilipat siya sa ibang bahay. What we heard, magkaka-show sa Studio 23 at baka maging MYX VJ si Jay-R, na swak na swak sa kanyang talent. * * * BINAWALAN na ng mama nila ang mga anak namin na manood ng Maligno. Nu'ng una raw ay addict sa panonood sina Erin at Godhie. "Naku, kung alam mo lang," kuwento ng mama nila sa amin, "Tuwing madaling-araw, nagsisiksikan na kami sa kama. "'Yun pala, napapanaginipan daw nila 'yung multo sa Maligno. Kaya maimadyin mo, nandu'n kami ni bunso sa kama, tapos, sisiksik pa sa akin ang dalawang 'yan sa madaling-araw? "Kaya sabi ko sa kanila, hindi na sila manonood ng Maligno. " Naku, huh! Lintek na Maligno 'yan, tinakot ang mga anak ko. Effective kung gano'n! * * * KAHIT hindi kami in-invite sa presscon (may gano'n?) ay mamaya na ang unang gabi ng show ng Cover Boys: Uncovered sa Music Museum. Siyam na lalaki ang magpapaseksihan at mang-aakit ng audience na for sure, karamihan ay mga bading at matrona na hitsurang nandu'n sila sa isang sosyal na gay bar at pinanonood ang mga machong lalaki na umiinda-indayog at gumigiling sa kanilang harapan. Kaya rin namin isinulat ito ay dahil guest ang alaga naming number 1 stand-up comedian na si Vice Ganda (na incidentally ay applauded to death sa concert ni Toni Gonzaga). Bukas naman ang huling gabi nito at guest naman sina John Lapus at Nikki Gil. Sina Jon Avila, Victor Basa, Jake Cuenca, Rafael Rosel, Zanjoe Marrudo, Ron Morales, Marvin Raymundo, at iba pa ang magko-concert, este, magso-show. * * * SA May 16 naman, mga nagseseksihang babaing singer ang magso-show at magko-concert sa Zirkoh Comedy Bar, Timog. Hellow, Kitty Girls! naman ang title nito featuring the local version of Pussycat Dolls na lagi ninyong napapanood sa ASAP '08, kung saan guests din sina Matteo Guidicelli ('yung guwapong bagets sa Kung Fu Kids) at si Chris Cayzer. "Tatalbugan ko ang Kitty Girls na 'yan, kaya isang bonggang-bonggang production number na puwede kong ikamatay na ang mapapanood nila," pangako naman ng guest ding si Ate Gay, na willing magkalasug-lasog ang mga buto matalbugan lang ang Kitty Girls. Sa mga wala pang ticket, tawag lang sa 0922-8398878. * * * 'WAG n'yo pong kalilimutang makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dzXL 558khz at maririnig din sa www. rmn. ph, 10:30 a. m. -12 noon. Source: People's Tonight |