|
|
| Jaya ayaw nang mabuntisAuthor: Noel Asiñas MASAYANG bumati si Jaya sa piling press na dumating sa album launching ng kanyang Real Love Stories sa Hard Rock Cafe kahapon ng tanghali. Ang Real Love Stories bale 11th album ni Jaya at nakapaloob dito ang 14 revival love songs na one way or another ay nagkaroon ng bahagi sa kanyang buhay. Ito rin ang follow-up ng highly successful album ni-yang Cool Change, na isa nang certified gold at ini-release ng GMA Records. Happy din si Jaya sa pi-ling ng dalawang anak (one girl and one boy) at mapagmahal and ever supportive na asawa. "Nu'ng kabataan ko at wala pa akong anak, baklang-bakla ako. Walang ini-sip kungdi ang sarili ko. Kahit saan puwede akong pumunta. Walang direksi-yon. Pero nabago lahat ito nang lumabas ang babies ko. "Alam ko na may failed marriage ako. Kahit failure noong una, inamin kong lumigaya rin ako sa dati kong asawa kaya lang ayaw ni-yang mag-anak kami hanggang nagkahiwalay kami. At nu'ng makapunta siya sa Pilipinas, na-realize niyang mas marami palang maga-gandang Pinay dito. We part ways. Ngayon ay masaya na ako sa second husband ko at wala na akong mahihiling pa," masayang pahayag ni Jaya. Inamin din ni Jaya na next year ay turning 40 na siya kaya desidido siyang pumayat at ayaw na muna ni-yang magbuntis. "Kahit boxing sport ay gagawin ko. Sa umaga ay jogging. Desidido akong magpapayat dahil gusto kong makapagsuot ng bra at shorts sa stage. Kakanta ako na ang costume ay mala-Beyonce. " Carrier single ng Real Love Stories ni Jaya ay ang Hiding Inside Myself ni Kenny Rankin at may MTV na kinunan noong kabuntisahan ng singer, under Direk Milos Curameng. * * * ISINUGOD sa ospital kahapon si Glaiza de Castro dahil sa sobrang panghihina. Nasa set siya ng Stairway to Heaven nang halos himatayin si Glaiza. Agad naman siyang dinala ng GMA-7 sa Makati Medical Center at ayon sa findings ng mga doktor doon ay over-fatigue ang dahilan ang kanyang panghihina. Super-sipag kasi ng dalagang dahil last Sunday ay buong araw na nag-shoot sa ginagawang indie movie entitled 45. Makakasama niya sa indie film na ito ang batikang mga artistang sina Ricky Davao, Irma Adlawan, at Noni Buencamino. May temang pulitikal ang movie in time sa nalalapit na 2010 elections. Last Monday naman ay nagtaping siya sa Stairway to Heaven bilang kontrabida nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos, at doon na bumigay ang kanyang katawan. * * * PINIPILAHAN pa rin ang Yaya at Angelina: The Spoiled Brat Movie. Last Saturday ay nagkaroon ito ng total gross na P1. 7M sa Mega Manila, sa probinsiya ay kumita ito nang P. 8M sa total gross na P2. 5M. Nasa P70-M na ang total gross ng movies sa tatlong linggo nitong pagpapalabas sa mga sinehan all over the Philippines. Kaya naman tuwang-tuwa sina Michael V at Ogie Alcasid dahil patok ang kanilang tandem sa pelikula na produced ng APT at GMA Films. Nasa huling linggo na rin pala ang Hole in the Wall na papalitan ng Family Feud ni Richard Gomez. Source: Taliba |