|
|
| Jean Garcia 'hinahanap' si Mart EscuderoAuthor: Noel Asiñas INAMIN ni Mart Escudero sa presscon ng SRO Ci-nemaserye Presents Reunion na muli niyang nililigawan ang anak ni Jean Garcia na si Jennica. Nagkahiwalay ang young lovers last year at ngayon ay partner na uli sa episode ng SRO with She-ena Halili at Rainier Castillo. Sinabi rin ni Mart na MU na sila ni Jennica, constant date at laging magkasama sa mga lakaran. Promise pa ng young actor, hindi na sila muling mapaghihiwalay ni Jennica. Bongga! Sa ngayon ay hindi pa nakakausap ni Mart ang nanay ni Jennica na si Jean Garcia para ipaalam ang muling panliligaw sa anak. "Alam ko gusto akong makausap ni Ms, Jean, pero hindi pa kami nagkakatagpo. Nang pumunta ako sa birthday ni Ms. Jean recently ay sobrang dami ng bisita kaya hindi kami nagkausap," katwiran ni Mart. Hindi lang naman nga-yon namin nakitang mag-kasama sa lakaran sina Jennica at Mart. Kahit noong magpartner sina Jennica at Dennis Trillo sa Adik Sa 'Yo ay na-sight na namin silang magka-date sa birthday party ni Marian Rivera na ibinigay ng Mother Lily Mon-terverde ng Regal Films. * * * KAKALIMUTAN muna ni Manny Pacquiao ang showbiz pagbalik niya sa Pilipinas after ng promo tour ng kanyang laban kay Miguel Cotto sa Nov. 14. Ayon aming source, ngayon ang balik ni Manny mula sa Los Angeles, California, at magtutuloy agad ito sa training camp niya sa Baguio City. Hindi na rin siya ini-schedule sa taping ng kanyang sitcom na Show Me Da Manny dahil nakunan na ang lahat ng natitirang eksena ng Pambansang Kamao. Ang magre-report na lang sa set ay ang ibang cast na sina Marian Rivera, Paolo Contis, Benjie Paras, Lovi Poe, Kevin Santos, Tuesday Vargas, Onyok Velasco, Pekto, John Lapus at Rochelle Pangilinan. After Manny's fight sa Nov. 14 na lang muling ire-resume ang taping niya sa sitcom. Riot din ang episode ng sitcom last Sunday with Ely Buendia as their guest. * * * IPINAGTAPAT ni Madam Auring na 70 years old na siya pero iginiit nitong may asim pa siya at type niya ang younger boys. Ito ang mataray na kuwento ni Madam Auring sa interview sa Shall We Dance last Sunday sa TV5. Pinuri pa nina Regine Tolentino at Douglas Nieras si Madam Auring dahil at her age ay malakas pa at magaling pang sumayaw. Pero dahil competition ang Shall We Dance, ang dapat manalo ay 'yung pinakamagaling. Kaso, mas magaling ang mas batang si Edgar Allan Guzman, winner ng Mr. Pogi sa Eat Bulaga, kaya lost sina Madam Auring at Ms. Ganda. * * * NAKA-SUPER hero outfit si Paolo Contis sa habang nagho-host sa OC To The Max ngayong Martes ng gabi. Ikukuwento niya ang tungkol sa isang tao na pabalik kung mag-drive ng sasakyan at mga mountain bike rider na magpapakitang gilas. Mapapanood ang OC pagkatapos ng Shining Inheritance. * * * NUMBER 1 si Tourism Secretary Joseph "Ace" Durano sa Pulse Asia Survey sa Central Visayas bilang kakandidatong senador. Tinalo niya ang 24 na posibleng senatoriables nang makakuha siya ng 54. 6%. Ginawa ang survey noong Hulyo 28 hanggang Agosto 10 at nanguna si Durano sa mga tinanong kung sino ang ibobotong senador kapag ngayon idaraos ang eleksiyon. Sinundan siya nina Sen. Miriam Defensor-Santiago na may 48. 3%; Sen. Bong Revilla, 43. 4%; Sen. Pia Cayetano, 42% at dating Sen. Sergio Osmeña III, 41. 5% Kasama sa top 12 sina Sen. Mar Roxas at dating Sen. Ralph Recto, 39. 5%; dating Sen. Franklin Drilon; 39%, actor Edu Manzano; 34. 1%, Sen. Jamby Madrigal, 30. 2% at dating Sen. Tito Sotto na nakuha ng 28. 8%. Source: Taliba |