|
|
| Jean Garcia 'inilibing' na si Polo RavalesAuthor: Tonee Coraza FINALLY ay maghahatid na ng takot sa movie- goers ang suspense-thriller na Sundo ni Robin Padilla. Sa March 18 na ito ipalalabas. Dapat sana ay na-showing ito noong Halloween last year, pero biglang na-pull-out ng GMA Films para maunang ipalabas ang One True Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Blessing-in-disguise ang pagkaka-delay ng showing ng Sundo dahil lalo pa nilang napaganda ang special effects ng pelikula at pati ang sounds nito ay ginawa nang Dolby 7. 1. Nakakatawa lang ang pangyayari last September nang unang nagkaroon ng presscon para sa Sundo. Sikat na sikat that time si Katrina Halili kaya bigla itong "ipinasok" sa Sundo. That time ay isang "wa-lang ningning" na bituin pa lang si Rhian Ramos na isa sa mga bida sa horror movie na ito ni Robin. But after a few months, biglang sikat na sikat na si Rhian courtesy of LaLola na isang top-rater ng GMA-7. At bigla na-mang nag-nosedive ang ningning ni Katrina because of the Dr. Hayden Kho-Katrina Halili controversy. At any rate, wala namang bearing ang female stars ng Sundo kasi ang real star dito ay si Ro-bin na busy ngayon sa Totoy Bato. Sa katunayan, hindi tumatanggap ng bagong pelikula si Binoe kasi nga concentrated siyang masyado sa Totoy Bato na ngayon pa lang ay napakataas na kaagad ng rating. "Ganyan talaga ako kapag gumagawa ng teleserye. Dito lang ako naka-concentrate kaya wala muna akong pelikulang ginagawa. Hands on kasi ako sa lahat ng bagay sa teleserye lalo na sa stunts. Hindi ko talaga puwedeng ipagkatiwala ito sa iba. Dapat 'yung mga sa-rili ko lang tao ang gagawa nito dahil nag-iingat din ako sa aksidenteng maaaring mangyari," pahayag ni Robin. Inulit na naman ni Robin ang kanyang sinabi na wala siyang balak pumasok sa politics. "Hindi ako puwede sa pulitika kasi imoral ako. Mahilig kasi ako sa ba-bae,"pakuwelang sabi ni Binoe. Sa katunayan daw, umiinit ang ulo niya sa set ng Totoy Bato kung wala si-yang nakikitang seksing babae. Kaya dapat lahat ng eksena niya ay lagyan ng mga babae para hindi siya masuya! * * * TAHASANG sinabi ni Jean Garcia sa prescon ng All About Eve na walang utang sa kanya si Polo Ravales. Tulad ni Ara Mina, ayaw daw niyang magsalita nang masama laban kay Polo dahil may pinagsamahan naman daw sila noon. Sa totoo lang, wala na raw siyang kahit na anong bitterness na nararamdaman sa nangyaring hiwalayan blues nila ni Polo. Matagal na raw siyang nakapag-moved on. At malaya na naman daw siyang nakikipag-date sa taga-showbiz at non-showbiz guys. Aminado rin si Jean Garcia na ang ilan dito ay mas bata pa rin sa kanya. Pero ayaw na niyang pangalanan ang mga ito. Bilang pagpapatunay na inilibing na raw niya sa limot si Polo, hindi man lang siya nakaramdam ng tensyon nang nag-perform si Krissa Mae, ang ipinalit kay Jean ni Polo, sa presscon ng All About Eve. Si Krissa Mae rin ang nagbunyag sa press people na inuutangan siya ni Polo ng pera kaya nag-desisyon siyang ma-kipagkalas sa aktor. Nagkaroon tuloy ng pangit na image si Polo dahil sa rebelasyon na ito ni Krissa Mae, to the point na pati sina Ara at Jean ay tinatanong na ng press people kung inutangan din sila ni Polo noong sila pa ang magkarelasyon. Source: Taliba |