|
|
| Jean Garcia, loyal sa GMA![]() Author: Jun Nardo Nakakairita na ang mga infomercial ng mga pulitikong tatakbo sa 2010 election. Pawang kagandahang-loob at mga plano nila sa bayan ang tinutumbok ng infomercial. Pero subukan mong lapitan ang mga ito through their staff para hingan ng tulong, naku, mapapanis ang laway mo! Tulad ng dalawang kakandidato bilang pangulo, nang hingan ng tulong ng aming kaibigan dahil sa trahedyang sinapit nito, dumaan lang sa hangin ang paghingi nito ng tulong. To think na nasa mahihirap daw ang puso niya! Tell that to the marines! Sabi nga ng mga taong pinagkaitan ng tulong ng mga nag-aambisyong pulitiko next year, kahit isa o dalawa lang ang boto nila sa 2010, kabawasan din 'yon dahil politics is addition and not subtraction, huh! 'Yung iba naman, nakiki-ride on sa mga issues sa showbiz. As if naman, sila ang makaka-solve sa mga sex video scandals, huh! Proposal pa lang ng batas, may press release na, huh! As if naman, isang tao lang ang nag-aapruba ng batas, huh! Kapag naging batas na, saka mag-press release o magpa-interview. Hindi 'yung konting utot lang nila, may pralala na sila, 'no? Naku, hindi na talaga nagbago ang takbo ng pulitka sa bansa. Kapag eleksyon lang nagpaparamdam ang mga 'yan kaya isnabin naman natin for a change! Hmmmpp! Inooperan daw ng ABS CBN si Jean Garcia ng bagong project. Wala pa naman daw itong ginagawa sa GMA 7 after ng stint niya sa All About Eve. Gusto sanang sunggaban ni Jean ang offer ng dati niyang pinagtrabahuhan lalo na't nakapahinga na rin siya ng almost 2 months, huh! Pero pinayuhan si Jean ng taong malalapit sa kanya. Panatilihin na lang daw niya ang pagiging loyal niya sa GMA dahil there was a time namang lagare at sagaran ang projects niya sa network. Nag-behave naman si Jean na rest muna ang byuti habang ang anak na si Jennica Garcia naman ang kumakayod, huh! Second week anniversary ng Showbiz Central this Sunday, kaya doble ang intriga at mga showbiz issues na handog nila sa manonood. Papagitna sa Intriga X-fire si Pops Fernandez. Siyempre pa, ang isyu sa kanila ni Jomari Yllana ang dadalirutin ng hosts at diumano 'yung sex video niya with Hayden Kho. Live din sa show si Marian Rivera at kung nandiyan si Marian, puwede bang mawala si Dingdong Dantes? Paliligayahin naman Dingdong ang isa niyang tagahanga. Sa Story of My Life, featured ang Sex Bomb na si Rochelle Pangilinan. Matapos ma-conquer ang mga Ilonggo last Sunday sa Pototan Coliseum sa Iloilo City, dadayo naman ang Eat Bulaga Dabarkads this Sunday sa Bgy. Bankerohan sa Davao City. Last leg ang Davao ng Kaserola ng Kabayanan na bahagi ng 30th anniversary ng noontime show. Libu-libong cash, souvenir items at gift packs ang naghihintay sa pupunta sa kasiyahang ito. Source: Abante |