|
|
| Jean, 'di pinayagang bumalik sa ABS-CBNAuthor: Nitz Miralles Masaya si Jean Garcia na sunud-sunod na naman ang shows niya sa GMA-7. Mamaya, magsisimula ang Karibal episode ng Dear Friend na tinatampukan nila nina Jennylyn Mercado at Wendell Ramos at sa August 17, umpisa na ng taping niya ng Stairway to Heaven. Inusisa namin si Jean kung totoong binalak niyang bumalik sa ABS-CBN after All About Eve? "Nag-offer sila at dahil akala ko wala muna akong gagawing show sa Channel 7, nagpaalam ako kung puwede kong tanggapin ang offer ng Channel 2. "Sabi sa akin, may plano sa akin at dahil sa Siete ako sunud-sunod na nagtrabaho, ang offer nila ang tinanggap ko. In-explain ko sa Channel 7 na kailangan kong mag-trabaho't single mom ako, naintindihan nila ako. Heto't dalawang shows ang gagawin ko at masaya ako," sabi nito. Pinagsama uli sila ni Wendell na minsang na-link sa kanya, pero friends lang daw sila. Loveless siya at si Polo Ravales pa ang last relationship niya at inaming hindi na babalik ang closeness nila kahit mag-usap pa sila. Anyway, maganda ang istorya ng Karibal, siya si Claire, ina ni Cheska (Jennylyn Mercado) na makakaribal nito kay Darrel (Wendell). Si Andoy Ranay ang director ng episode tungkol sa inang kailangang mamili sa pagmamahal sa anak o sariling kaligayahan. * * * Makabagong Babaing Lawin ang gagampanan ni Ehra Madrigal sa Darna dahil sa halip na balahibo, bakal ang pakpak niya at magha-harness din siya. Ginawang modern ang pakpak niya para maging kakaiba. Simpleng tingnan ang costume ni Ehra, pero inaabot pa rin siya ng 30 minutes sa pagsusuot nito. Kahit yata anong role ang ibinigay kay Ehra ay tatanggapin niya dahil masaya siyang mapasama sa series lalo't alam na mga bata ang majority viewers nito. Nagpapayat siya, pero kailangan pa rin niyang magbawag ng timbang para sexy siya sa kanyang costume. Sa personal issue, tinanong namin si Ehra kung totoong natipuhan siya ni Robin Padilla nang magkasama sila sa Totoy Bato? "Hindi totoo 'yun, na-misinterpret lang ang sweetness at pagka-gentleman niya. Lahat naman nang nakakapareha niya inaasikaso niya. Nang-aasar siya minsan, hindi ko alam kung nagpaparamdan siya, pero may boyfriend ako at six years na kami," paliwanag ni Ehra. Bago ang premiere ng Darna bukas, mapapanood muna mamaya ang primer nitong Darna Mania. Ipapakita ang preparasyon sa series mula sa training, paggawa ng costume at lahat ng detalye na may kinaalaman sa series. Mapapanood ito after All Star K! * * * Nagpirmahan sina Taguig City Mayor Freddie Tinga at Cinemanila founder Tikoy Aguiluz ng memorandum of agreement (MOA) sa pagho-host ng Taguig ng 11th Annual Cinemanila International Film Festival. Present sa contract signing sina Henry Dueñas, congressman, District II ng Taguig at Anima Aguiluz-Slangen, festival co-director. Parehong umaasa sina mayor Tinga at Direk Tikoy na hindi sa taong ito ang first and last na sa Taguig gagawin ang CIFF. Tatakbo ang CIFF mula October 15-25 at kung saan, 100 international and local films na galing sa Cannes, Berlin, Rotterdam, Sundance, at Pusan ang ipalalabas. Magkakaroon din ng workshops, seminars at master classes sa 11-day event na mangyayari sa Bonifacio Global City. Isa sa magandang mangyayari sa CIFF ay ang Sine Barangay, a 3-day event kung saan dadalhin sa iba't ibang barangay ng Taguig ang mga pelikulang palabas sa festival thru' outdoor screenings and free workshops. * * * Hindi lang sina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Sam Milby ang natanong sa kani-kanyang love life sa presscon ng And I Love You So, pati rin si Candy Pangilinan na nagulat nang kulitin siya ng press sa relasyon nila ni Direk GB Sampedro na umaming masaya siya 'pag kasama ang comedienne at gusto niyang maging ina ng susunod niyang mga anak. "May problema pa kasi, we're now both fixing our church annulment, kaya hindi pa ako makapagsalita ng husto. Before you formalize anything, kailangang malinis ang lahat. Tapos na ang civil annulment ko, church na lang ang inaayos ko," tsika ni Candy. Hindi nga lang nito naitanggi ang pagpapadala ni direk GB ng flowers at dumadalaw sa shooting dahil si Direk Laurenti Dyogi ang nambuking. Samantala, best friend ni Bea ang role ni Candy sa Star Cinema movie na showing sa August 12 at dahil madalas niyang gampanan ang role na ito, mina-mani na lang niya at kahit siguro nakapikit, kayang-kaya niyang i-arte. * * * Live uling mapapanood ang Shall We Dance sa TV5, 8 p. m. , this Sunday. Co-host ni Lucy Torres-Gomez si Ryan Agoncillo na host ng hit na Talentadong Pinoy at guest performer si Billy Crawford. Maghaharap sa final dance showdown sina Gab Valenciano, Paolo Ballesteros, Mystica at G Toengi. Makakaboto ang viewers kung sino sa apat ang gusto nilang manalo by texting SWD <pair number> to 2256 for Globe and Smart subscribers. Pagsasamahin ang score ng judges at text votes para malaman kung sino ang Ultimate Shall We Dance Celebrity Champion. * * * Thirteen years old na ang Star Magic talent na si Jane Oineza noong July 22 at nag-celebrate siya ng birthday sa Camsur, sa taping ng Goin' Bulilit. Gusto nito ang water sports, kaya nag-enjoy sa wake boarding, knee boarding, at swimming. Hilig din nito ang basketball at biking. Lead actress at beauty queen material si Jane with her looks and height, pero mas gusto nito ang showbis. Semi-regular siya sa ASAP, pero umaasang mapapsama sa primetime show ng ABS-CBN. Voice-over talent din si Jane, kaya biniro naming maraming raket. Fan ng Twilight si Jane at binasa ang apat na libro ni Stephenie Meyer. Mas crush nito si Taylor Lautner na gumaganap sa role ni Jacob, kesa kay Robert Pattinson as Edward. Source: People's Tonight |