Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jed Madela says love can wait while career takes off

Jed Madela is one of the OPM artists lending his voice to a fundraising project spearheaded by Ogie Alcasid to benefit victims of the recent typhoons. He can relate. He was a flood victim himself. Career-wise, things couldn't be better for the young singe

Author: Rose Garcia

Nanggaling si Jed Madela sa ikatlong set of recordings ng mga OPM artists para sa project na pinangungunahan ni Ogie Alcasid, ang fundraising concert na magaganap sa December para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Peping.

Nagsama-sama ang mga Filipino artists sa recording studio ni Jay R para i-record ang kantang "Kaya Natin 'To."

Nakaka-relate si Jed sa mga nasalanta, dahil biktima rin siya ng nakaraang bagyo.

"Yeah, actually, nakakatawa nga. Bumaha noong Saturday, pero hindi ako nakauwi ng bahay sa Cainta hanggang ilang araw. The next day, isa ako sa iilan lang halos na nakapag-report pa rin sa ASAP. Nakasama pa rin ako sa telethon. Inisip ko na lang, kesa magmukmok ako sa isang tabi na yung bahay ko, binaha, yung mga gamit, halos sira na lahat, e, wala na rin naman akong magagawa.

"And noong dumating nga yung opportunity to record the song 'Kaya Natin 'To,' kasali rin ako sa project nina Ogie at Regine Velasquez. Ay, ngayon nga, kagagaling ko lang din sa recording sa bahay ni Jay-R. Nakakatuwa kasi, ang dami namin. I think, sa aming mga champions pa lang, halos lahat na yata ng OPM artists kasama."

Hoping din daw si Jed na pati sa concert sa December, makasama pa siya.

"Hopefully, hopefully... Inaayos pa kasi ang mga schedules. Supposedly, ang concert yata dapat November 14, e, hindi ako puwede. I'll be part of the Katy Perry concert and since na-move naman ng December, hopefully, makasama na by that time."

PERSONAL FLOOD STORY. Wala pa man daw ang concert, ramdam na ni Jed ang pagiging united nilang mga artists, regardless kung saang network or kumpanya sila kabilang.

"Sa artists naman kasi, sa totoo lang, wala talagang rift. I think, it's the people around us. Pero yung mga artists, kapag nagkita-kita, wala lang. Magkakamustahan, nag-uusap."

Mahirap daw talaga ang nangyaring pagbaha sa bahay niya. Halos mag-iisang taon pa lang silang nakatira sa bahay na naipundar niya nang bahain ito at ang lahat ng kagamitan.

"Sa loob kasi ng bahay, hanggang chest ang inabot ng tubig. May second floor naman, pero siyempre, yung mga naiakyat lang din ng mga kasama ko sa bahay yung maliliit na gamit. Yung mga malalaki, hindi na. Sabi ko rin, hayaan na nila. Just make sure na sila, safe naman at saka yung limang pet namin."

Nasa Iloilo ang mga magulang ni Jed at siya lang ang nandito sa Manila. During typhoon Ondoy, doon muna raw siya sa tita niya sa Las Piñas nag-stay ng ilang araw.

Bagama't nakauwi na siya sa bahay niya sa Cainta nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono noong Huwebes ng gabi, September 15, hindi pa raw niya alam kung maghahanap siya ng ibang tirahan.

Aniya, "Sa ngayon, medyo bare pa ang bahay., Yung sofa, lahat ng carpet, ref, oven, washing maching, wala na. Magwa-one year pa lang ako rito. At sabi naman ng mga tao, noon lang daw nila na-experience. Ine-explain naman na normally, hindi nangyayari. So far, wala pa naman akong planong maghanap. Ito rin kasi ang first house ko na nabili."

PLATINUM BOUNTY. Pero professionally, magandang unos naman ang dumarating sa career niya. Noong Linggo, ginawaran si Jed ng dalawang platinum record awards sa ASAP for his two albums, ang "Only Human," that was released last year at ang "Songs Rediscovered" noong March, both from Universal Records. Halos sabay na nag-platinum ang dalawa niyang album.

"Sobrang fulfilled. Sobrang happy. Ako po kasi, kapag gumagawa ako ng album, very hands-on ako. Kahit itanong n'yo pa sa Universal, from conceptualizing, recording, arrangement, so, para yung album na umabot ng platinum, malaking reward po talaga. Lalo na ngayon na sobrang hirap mag-produce ng album at ma-convince ang buying public na bumili sa kabila ng mga piracy.

"Yung pagod ko sa album, nasusuklian, nare-recognize."

Sa ngayon, ang dream daw ni Jed ay makapag-release ng all-original album. Pero alam daw niyang depende rin ito sa market since sa ngayon, in pa talaga ang mga revival songs.

A CONCERT WITH RACHELLE. He will also have an upcoming concert with Rachelle Ann Go on October 24 at Skydome. First time nilang mag-ii-stage ng concert na silang dalawa lang.

"I'm happy na pinayagan ako ng UR na gumawa ng concert with Rachelle under Viva Events naman po. First time namin ni Rachelle na magsasama sa isang concert na sa amin talaga. Usually, sabay kaming guest."

Source: Philippine Entertainment Portal