Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jen, tumindi ang galit kay Patrick!

Jen, tumindi ang galit kay Patrick!

Author: Ruel Mendoza

KINONTRA ni Jennylyn Mercado ang mga sinabi ni Patrick Garcia na payag na raw siyang ipa­kita ang anak nilang si Alex Jazz sa kanya.

Pinagdiinan ni Jennylyn na huwag nang umasa si Patrick na masisilayan nito si AJ dahil wala ngang balak na ipakita ito sa kanya.

Nagulat nga raw si Jennylyn nang makarating sa kanya na may mga sinabing ganu'n si Patrick noong presscon nito ng kanyang TV show sa GMA-7. Nagkataon kasi na wala si Jen sa bansa noong lumabas ang mga pahayag ni Patrick sa mga babasahin.

Sabi ni Jen, walang dapat na gawin pa si Patrick dahil matagal nang tapos ang anumang namamagitan sa kanila. Sa pag-iwan nga raw ni Patrick sa kanya at sa kanilang anak without any support ay nangangahulugan na wala nang karapatan si Patrick sa bata.

Ipinagdiinan pa ni Jen na “Mercado” ang family name na nilagay nito sa birth certificate ng bata. Kaya para sa kanya ay wala nang karapatan si Patrick na matawag na ama nito.

Dagdag pa ni Jen, nag-move on na siya at matagal na niyang hindi pinag-uusapan si Patrick at umiiwas siyang pag-usapan ito. Kaya laking gulat niya nang biglang magbalik si Patrick at siya ang naging subject ng interview nito.

Kaya pakiusap ni Jen, huwag na siyang pag-usapan pa.

Sa August nga ay magwa-one year old na si AJ at naghahanap nga raw si Jen ng isang private venue para sa first birthday ng kanyang baby. Ayaw na raw niyang matulad sa nangyari noong binyag ni AJ na may mga uninvited photographers na dumating at kinunan ang binyag na walang permiso sa kanya.

Kasalukuyang naghahanda si Jen para sa pelikula niyang Gabriela Silang at tungkol naman sa balitang siya ang gaganap na Jodie sa local version ng Stairway To Heaven, sinabi nito na wala pa naman daw siyang natatanggap na offer mula sa GMA-7.

Pero kung ibibigay raw sa kanya ang role, tatanggapin niya dahil gusto niyang makatrabaho ulit si Dingdong Dantes.

Source: Abante