|
|
| Jennica binabalikan ni Mart EscuderoAuthor: Tonee Coraza Natupad na ang wish ni Mart Escudero na magkabalikan na sila ni Jennica Garcia bilang loveteam sa SRO Cinemaserye Presents Reunion. Nawala kasi ang kanilang loveteam noon nang nagkaroon sila ng peronal na problema at itambal si Jennica kay Dennis Trillo sa Adik Sa 'Yo. Pero ngayong tapos na ang Adik Sa 'Yo ay pinagtambal silang muli GMA Network. Ayaw pa ring sabihin hanggang ngayon ni Jennica ang totoong dahilan ng break-up nila ni Mart. Pero aminado siyang masaya siya ngayon dahil madalas na silang nag-uusap ni Mart. Puspusan naman ang muling panliligaw ni Mart sa dalaga ni Jean Garcia at confident ang aktor na magkakabalikan sila. Kasama rin sa Reunion ang ex-sweethearts na sina Rainier Castillo at Sheena Halili, pero malabo raw mag-kabalikan ang mga ito. May non-showbiz girlfriend ngayon si Rainier na commercial model at malaki ang pagkakahawig kay Sheena, take note, huh! * * * Napansin ba ninyo ang isang commercial sa TV kung saan may isang batang lalaki na kumakain mag-isa tapos naisipang gawing yosi ang lumpia at 'yung iced tea rin na hawak ng bata ay ginawa niya kunyaring beer na nilalaklak niya. Very disturbing images, 'ika nga. But this is the truth. Ayon sa research, ang batang hindi nakakasama ang kanyang mga magulang sa pagkain ay most likely na lalaking pasaway (alcoholic, smoker o durugista). Kaya 'yung mga masyadong busy diyan na parents at walang time para makasama man lang sa pagkain ang kanilang mga anak, beware! Kailangan ng inyong mga anak ang oras ninyo at pagkalinga. Ito ang advocacy sa kasalukuyan ng Lucky Me kaya naglabas sila ng ganitong klaseng commercial sa TV. Gusto nilang i-convey na "the family who eats together, stays together" o ang "kainang pamilya mahalaga. " Kaya naman this September 28 ay tinawag nila itong National FaMEALy Day! Mismong si Sharon Cuneta ang nagkuwento na she always eat meals with her two little daughters, Frankie and Miel. At pinupuntahan naman siya ni KC sa taping niya ng Sharon every Monday and they would eat dinner afterwards. Dine-date naman ni Sen. Kiko Pangilinan ang tatlong daughters niya nang solo-solo to have quality time with them. Maski ang mag-amang Edu at Luis Manzano finds time together over a couple of beers at magkamustahan. Aminado si Edu na talaga ngang mas magaling umarte ang anak niyang si Luis sa kanya (tulad ng sinabi ni Ate Vi sa prescon ng In My Life) and Luis naman admits na nagkukuwento siya sa dad niya tungkol sa relasyon niya kay Angel Locsin dati. * * * Kung familiar man ang mukha ni Miki Hahn sa inyo ay dahil kasama siya sa cast ng Lipgloss at si Mickey Lee ang kanyang ka-loveteam. She is really a singer by profession at labas na ang kanyang second CD, entitled Intimately Acoustic na naglalaman ng mga sikat na kanta noon na inawit niya in her own style. Ang carrier single niya ay The Sign ng Ace of Base. Ilan sa fave cuts sa kanyang CD ay ang What Can I Do at Ain't No Sunshine. Isa rin siya sa contender para sa MYX VJ Hunt 2009. She's under Viva Artists Agency at although she's sexy hindi pa raw niya carry ang mag-ala-Cristine Reyes at mag-pose para sa FHM. * * * Sina Dennis Trillo, Michelle Madrigal at Jacky Woo ang special gusts sa Bubble Gang this week. Kasama sila sa Sino Ang Nagtapon Sa Basura gags. Alamin kung sino ang mga reject sa Darna at ang Invisible Family. Nandiyan din ang regulars na Moymoy at Sumbong2. Source: Taliba |