Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennica ipinagtanggol ang 'di pagsaklolo sa kanila ng ama

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Hindi nagpakita ng takot si Jennica Garcia sa ka-patid at inang si Jean Garcia nang pasukin ng baha ang kanilang tahanan sa kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Bale ba ito ang ikalawang pagkakataon na dumanas nang hindi matatawarang panganib ang mag-inang Jennica at Jean.

Matatandaan nasunu-ngan na rin sila sa San Juan, malapit sa tahanan ng namayapang si Fernando Poe Jr. , na agad sinaklolohan ni Da King nang lamunin ng apoy ang bahay ng mag-ina.

Ngayon naman ay baha na kung hindi naging matapang at nagpakatatag si Jennica sa harap ng kapatid at magulang ay baka may hindi magandang nangyari sa kanila.

Sa kuwento ni Jennica, umabot hanggang second floor ng kanilang tahanan ang tubig-baha, kaya siya na ang gumawa ng paraaan para mailigtas ang buong pamilya dahil at that time ay inaatake ng high blood si Jean.

Si Jennica na rin ang nagturo sa 7 years old na ka-patid na huwag magpakita ng takot para hindi lalong sumama ang pakiramdam ng kanilang ina.

Ligtas na sila ngayon at pansamantalang tumutuloy sa bahay ni Jennylyn Mercado, na buong pusong nagbukas ng pinto para sa mag-iina.

Sa nagtatanong kung hindi ba sila nagawang tulu-ngan ng amang si Jigo Garcia, sinabi Jennica na tinawagan niya ang amang si Jigo para humingi ng tulong pero abala umano ito sa pagre-rescue ng ibang tao sa Quezon City.

"Gustuhin man kaming i-rescue ng tatay ko, hindi makapasok dito ang sasakyan niya," pagtatanggol naman ni Jennica sa ama.

* * *

Umulan man o umaraw, the show must go, kaya tuloy ang pagbibigay-saya ng SOP barkada ngayong Linggo, at magdiriwang ng kanilang birthday sina Kuya Germs Moreno, Maricris Garcia at Nicole Angela.

Ise-celebrate din ang debut ni Ynah Asistio, kasabay ng bonggang launching ng GMA Artist Center Magazine at album ni Chris Cayzer and Freestyle.

* * *

Sa thanksgiving at victory party para sa Yaya and Angelina, Spoiled Brat: Movie ay inamin nina Mike "Pekto" Nacua a. k. a Cookie at John Feir, mas kilalang Belly Florie, na nagkakatampuhan din silang dalawa kahit na masasabing matalik silang magkaibigan.

Naniniwala kasi ang dalawang sidekick nina Ogie Alcasid at Michael V sa Yaya at Angelina The Movie na mas nakakapagpatatag at nakapagpapatibay ng kanilang pagkakaibigan ang anumang samaan ng loob.

Pero pahabol ni Belly, madali naman daw nila naa-yos ni Pekto kung anuman ang naging tampuhan na ipinagtataas ng kilay ng iba.

Lalo na ngayon napapanood na sila na hindi mag-kasama sa telebisyon at sa pelikula.

"Actually, masuwerte nga kami ni Pekto kasi kahit paano ay may nagtitiwala sa aming pagpapakuwela at isinasama kami sa TV show. Sa hirap ng buhay ngayon ay bibihira ang nabibigyan ng pagkakataon ibinigay sa amin kaya naman ganoon na lang ang sakripisyo namin para huwag lang masira ang tiwala sa amin ng mga taong nagtiwala," say ni John Feir

Masasabi nga na masu-werte kapag isinasama sina Pekto at John dahil kumita ang Yaya & Angelina, The Movie, joint venture ng GMA Films at APT Entertainment.

Kasali rin si Pekto sa sitcom nina Manny Pacquiao at Marian Rivera na Show Me Da Manny every Sunday, dating timeslot ng Ful Haus ni Vic Sotto sa GMA-7.

* * *

Ang mga celebrity na biktima ng baha ang magiging guests nina Anjo Yllana at Eugene Domingo sa Cool Center ngayong Sabado.

Ikukuwento nina Yasmine Kurdi, Jennica Garcia, Diego, Gladys Reyes, at iba pa ang naging karanasan sa bagyong Ondoy.

Magkakaroon din ng help line sa CC, ang first live radio talk show on TV, na ang makakausap ng mga tumatawag sina Shivaker at Mr. Cariñoso sa segment nilang "Tawag ng Pangangailangan. "

At para maibsan ang nakakalungkot na dinanas sa bagyong Ondoy ay mana-natili pa rin sa show ang laging inaabangang "Hubad na Katotohanan" with sexy guest celebrity.

* * *

Nakikiramay kami sa pagkamatay ng kapatid na babae ni Tommy Abuel.

Namatay ang kapatid ng veteran actor sa kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Si Tommy ang breadwinner sa kanilang pamilya kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya.

"Ang hirap ng namata-yan sa panahon ng kalamidad," malungkot na paha-yag ng veteran actor at naging Best Supporting Actor sa FAMAS sa kanyang role sa Maynila: Sa Kuko ng Liwanag noong 1975 sa direksiyon ng yumaong Lino Brocka.

Source: Taliba