Sep 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpGoogle Groups

Jennica, mas mahusay kay Jean!

ANG panonood ng mga pelikula ang pinagkaabalahan namin sa tatlong magkakasunod na gabi ng Biyernes, Sabado at Linggo. Una, ang special screening ng Eleventh Hour sa Greenbelt My Cinema noong Biyernes. Ang Belo Medical Group ang sponsor ng documenta.

 

Jennica, mas mahusay kay Jean!

Column: The Source
Author: Jojo Gabinete

ANG panonood ng mga pelikula ang pinagkaabalahan namin sa tatlong magkakasunod na gabi ng Biyernes, Sabado at Linggo.

Una, ang special screening ng Eleventh Hour sa Greenbelt My Cinema noong Biyernes.

Ang Belo Medical Group ang sponsor ng documentary movie ni Leonardo di Caprio tungkol sa global conservation.

May kinalaman ang screening ng Eleventh Hour sa Belo Goes Green campaign ng Belo Medical Group at sa pakikipagtulungan ito ni former DENR Secretary Elisea "Bebet" Gozon, ang isa sa pitong awardee ng Champions of the Earth ng United Nations Environment Program. Fellow awardee ni Secretary Gozon si former US Vice-President Al Gore.

Si Secretary Gozon ang inimbitahan ni Dra. Vicki Belo para magturo sa mga empleyado ng Belo Medical Group ng environmental issues at maging tagapag-alaga ng ating kapaligiran.

Layunin ng Belo Medical Group na makatulong sa promotion ng paggamit ng natural or organic fibers at bio-degradable materials for re-using and recycling.

Dahil sa Belo Goes Green campaign marunong nang mag-recycle ng mga papel, envelope, old magazines at newspapers ang BMG employees. Florescent lamps na rin ang kanilang mga ilaw para makatipid sa kuryente at unleaded gasoline na ang ginagamit para sa lahat ng company vehicles ng Belo Medical Group.

***

Dalawang pelikula ng direktor na si Rahyan Carlos ang pinanood namin noong gabi ng Sabado at Linggo, ang 7 Tagpo at Hide & Seek.

Si Diether Ocampo ang nag-imbita sa amin sa premiere night ng 7 Tagpo noong Sabado sa The Block. Sa pamagat pa lang, obvious na pito ang episode ng pelikula na may mga pamagat na Suka, Wedding Ring, Dad, Star City, Toga, Mariel at Ninoy.

Nagustuhan namin ang lahat ng episode na nangyayari sa tunay na buhay at plus factor ang mahusay na pagganap ng mga artista.

Si Diether ang bida sa Ninoy. Limang beses na nag-rehearse si Diether at ang child actor na kasama niya dahil tuhog o walang cut ang kanilang mga eksena.

Parang wala si Diether sa harap ng kamera dahil natural na natural ang kanyang pag-arte. Dire-diretso ang eksena pero nagampanan ni Diether ng buong husay ang kanyang role, lalo na ang breakdown scene niya.

Mga bida rin sa 7 Tagpo sina Cherry Pie Picache, Karylle, Bembol Roco, Maybelyn dela Cruz, Krystal Reyes, Isay Alvarez, Coco Martin at Robert Sena na may special participation sa maraming episode na hindi nakapagtataka dahil co-producer siya ng pelikula.

***

Halos 9:00 pm nang mag-umpisa ang screening ng Hide & Seek sa SM Megamall Cinema noong Linggo nang gabi. Opening title pa lang ng pelikula, nag-umpisa nang magsigawan ang audience na lalong nagpatindi sa suspense na inaasahan nila.

Malakas ang gulat factor ng Hide & Seek dahil napapaigtad mula sa kanilang kinauupuan ang mga manonood na nakapuwesto sa aming harapan.

Sina Jean Garcia, Eric Quizon, Alessandra de Rossi, Ryan Eigenmann, Jennica Garcia, Mart Escudero at Rubi Rubi ang mga artista ng Hide & Seek.

Nagpakita ng husay sa pag-arte si Jennica (anak nina Jean at Jigo Garcia) sa kanyang unang pelikula.

Mas magaling umarte si Jennica kumpara sa kanyang ina noong 17 years old pa lamang ito.

Ang yaya role ni Rubi sa Hide & Seek ang biggest role niya sa pelikula. Hindi nagkamali ang Regal Entertainment Inc. na isama si Rubi sa cast ng kanilang Halloween presentation dahil siya ang nag-provide ng comic relief. May mga pagkakataon na nasasapawan niya ng hindi sinasadya ang kanyang mga kaeksena.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com

Source: Abante