Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennica, nagpapakipot kay Mart!

Jennica, nagpapakipot kay Mart!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

PRANGKAHANG sinabi ni Mart Escudero na inaasam niya na muli silang magkakabalikan ni Jennica Garcia.

“Para sa akin, mas maayos ang lagay namin,” sabi ni Mart.

Pero iba naman ang pananaw ni Jennica.

“Masaya dahil magkatrabaho ulit kami sa SRO Cinema Serye pre­sents Reunion. After Adik Sa'Yo, meron agad kasunod. Kasi, na-bother ako na after Adik... wala akong trabaho! Ang mga bayarin... Chos!

“Hindi rin naman ako choosy sa trabaho,” sabi ni Jen, na tila mas tutok ngayon sa trabaho kesa sa pakikipagrelasyon.

Sabi ni Mart, na-miss niya nang husto si Jennica. Si Jennica ba ay na-miss din si Mart?

“Ang dami na na­ming pinagsamahan. Tapos nauwi rin sa hiwalayan. Pero, naging magkaibigan naman kami. Ngayon, wala kaming ilangan. Hindi awkward!” say ni Jen na tila pakipot pa kay Mart.

Nanliligaw ba ulit si Mart kay Jen ngayon?

“Pagdating sa ligaw-ligaw, hindi na kailangan 'yon! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Mart.

“Anong hindi na kailangan? Umayos ka! Kailangan 'yon, 'no?” hirit naman ni Jennica.

“Hindi, may dugtong 'yan!” ani Mart.

“Wala na akong gustong isiping babae kundi siya lang! Hinihintay ko lang ang tamang timing para maibalik 'yung love. Ngayon, nagkikita kami.

Lu­malabas nang maayos. Nag-uusap kami,” dugtong na paliwanag ni Mart.

“Sa kanya nakasalalay 'yon, hindi sa akin. Basta ako, focus ngayon sa trabaho! Pero masaya ako na magkatrabaho uli kami!” sambit naman ni Jennica.

Pero ayon kay Mart, kung liligawan uli niya si Jen, kailangang mag-usap muna sila ng mommy nitong si Jean Garcia.

“Hindi ko pa siya kinakausap. Pinagsabihan nga niya ako. Nagpunta ako ng birthday ng mama niya, pero hindi kami nagkausap,” say ni Mart.

“Wala akong alam doon sa pag-uusapan nila. Silang dalawa na lang. Ayokong makialam!” iwas ni Jennica.

Bakit ba sila naghiwalay?

“Huwag na! Ang tagal-tagal na niyan!” pakiusap na lang ni Jennica.
***

Si Ehra Madrigal naman ang magpapahirap kay Marian Rivera sa mga susunod na episodes ng Darna, although nariyan pa rin ang Babaeng Impakta na si Nadine Samonte at ang kakambal niyang si Mura bilang si Impi.

Nag-taping na si Ehra bilang Babaeng Lawin last week. Ang conflict niya ay may kaugnayan kay Fr. Mateo (Eddie Garcia) at Eduardo (Mark Anthony Fernandez).

Tatlong araw nag-taping si Marian ng Darna last week kahit bagyo pa ito. Kesehodang umuulan, ginagawa niya ang kanyang fight scenes! Sa totoo lang, naka-Darna costume pa siya sa gitna ng kalsada, huh!

Eh, nang mag-taping sila sa tapat ng isang presinto sa Balibago, Pampanga, sa gitna ng nakaparaming tao, wala siyang pakialam kung Darna ang suot niya at nandidilat ang mata ng mga kalalakihang nanonood!
Go pa rin ang aktres kahit may hiya siyang nararamdaman. Kasi naman, after that scene, todo ang palakpak na natanggap niya sa manonood dahil nakita nila ang Pinay super hero!

Ngayong gabi sa Darna, abangan ang paglabas pa ng mga bagong characters at masasalimuot na pangyayari, lalo na't mabibighani rin si Kobra (Paolo Contis) sa ganda ni Narda (Marian).

Source: Abante