Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jenny Miller tinarayan ni Valerie

Jenny Miller tinarayan ni Valerie

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

LUMABAS na sa ilang tabloids ang diumano'y pagtataray ni Valerie Concepcion sa Kapuso star na si Jenny Miller sa anniversary ng Belo Medical Group nu'ng nakaraang Friday na gina-nap sa Shangri-La hotel.

Ang senaryo, nakita ng sekretarya ni Vicki Belo na si Elliz si Jenny na nakatayo kaya in-approach niya si Valerie na kung puwede ay umupo muna pansamantala ang dalaga sa tabi nito.

Tumanggi si Valerie at sinabing naka-reserve ang upuan para kay Angel Locsin dahil darating daw ito.

Nakiusap ulit si Elliz.

Hindi pa rin pumayag si Valerie kahit for awhile lang na uupo si Jenny at willing namang umalis pag dumating na si Angel.

Na-offend si Jenny sa ginawa ni Valerie kaya wala siyang choice kundi umalis.

Maging si Elliz ay nagulat din sa inasal ni Valerie.

Long time friend namin si Jenny.

Hindi pa siya showbiz ay kilala na namin ang ugali niya.

It's not her that insisted na tumabi kay Valerie kundi si Elliz.

She also admits na hindi siya kasing sikat ni Valerie or Angel kaya marahil ganun ang reaksiyon sa kanya ni Valerie.

Nakakalungkot lang na may mga ganitong "ta-rayan blues. "

Para sa kaalaman ng aming readers, close si Valerie kay Angel at si Jenny naman kay Claudine Barretto.

Ano ito, part two ng intrigang Claudine-Angel?

Nakakaloka!

Ang worry ngayon ni Jenny, baka raw akusa-han siyang ginagamit si Valerie dahil sa mga naglalabasang balita ngayon.

"Hindi ko po ugaling manggamit ng tao. Ayoko nga ng mga isyu, eh. May nasulat na lang kasi kaya nagsalita na ako," wika pa niya.

In fairness, dahil nga kilala namin si Jenny, we can attest to her good attitude.

Ewan lang namin kung good din ang attitude ni Valerie, 'no?

Hindi na namin nai-tanong kay Jenny kung ano ang naging reaksyon ng best friend niyang si Claudine sa pagtataray sa kanya ni Valerie.

Pero sure kami na alam na rin niya ang tungkol dito.

Source: Taliba