|
|
| Jenny, napatawad na si Valerie!![]() Author: Abante ANG sekretarya ni Dra. Vicki Belo na si Elise ang witness ni Jenny Miller sa pagtataray sa kanya ni Valerie Concepcion nu'ng dumalo sila sa Belo party. Sabi ni Jenny, si Elise na nag-insist kay Valerie kung puwede raw maupo si Jenny sa tabi nito. Sa kuwento ni Jenny, medyo late siyang dumating sa party ni Belo, kaya wala siyang maupuan. Eh, nakita ni Elise na bakante ang upuan sa tabi ni Valerie, kaya tinanong daw ni Elise si Jenny kung gusto nitong umupo sa tabi ni Valerie, na agad naman siyang umokey. Sabi pa, na-excite raw si Jenny nang makita si Valerie. “Okey naman kasi kami ni Valerie sa pagkakatanda ko. We worked na rin before at kapag nagkikita kami dati, sweet siya. Ate pa nga ang tawag niya sa akin. Na-excite ako nu'ng makita ko siya. And then, napansin ko agad 'yung gown niya, dahil nag-effort siya sa theme. So, paglapit ko, talagang napa-wow ako kay Valerie. Pero siya, wala lang. Hindi siya bumati or anything,” kuwento ni Jenny. Dalawang beses daw na inulit ni Elise kay Valerie kung puwedeng umupo sa tabi niya si Jenny, kahit pansamantala lang. Pero, twice rin daw na sumagot si Valerie na para kay Angel Locsin lang ang lugar na `yon. Siyempre, naramdaman ni Jenny na may problema, at pakiramdam niya ay napahiya siya. At maging si Elise raw ay nanlamig at nagtaka sa inasal ni Valerie. Walang idea si Jenny kung paano nalaman ni Valerie ang naramdaman niya. Although feeling niya, si Elise na rin ang nag-inform dito. Lumapit daw sa kanya si Valerie at sinabing, nag-Hi naman daw siya. Pero sinagot ito ni Jenny na... “Did you? And you can ask Elise what has happened.” Itinanggi rin daw ni Valerie na nang-offend siya, na ayaw niyang patabihin si Jenny sa kanya. Pero ang sagot na nga lang niya kay Valerie, si Elise na lang tanungin. As much as possible ayaw na sanang palakihin ni Jenny ang isyu, pero dahil may mga nagtatanong sa kanya, wala siyang choice kundi ang sabihin ang totoo. Ayaw rin ni Jenny na maakusahan siyang ginagamit niya si Valerie. Naisip din ni Jenny na baka may koneksiyon sa naging isyu kina Angel at Claudine Barretto ang naging ugali sa kanya ni Valerie. Valerie is close to Angel, at si Jenny ay kaibigan ni Claudine. “Pero ako kasi, never akong nakikisawsaw kapag may isyu or kaaway man si Clau. At alam ni Clau 'yun. Alam niya na hindi ako ganoon. At kahit si Clau, siya mismo ang nagsasabi sa akin na ayaw rin niya kong magpa-involve.” Alam ni Jenny na sa kanilang dalawa ni Valerie, mas sikat ang huli. Ayaw raw niyang isipin na baka porke host na ito baka kaya namimili ng makakatabi at mas gustong big star. Anyway, nag-sorry na sa kanya si Valerie. Napatawad na ba niya ito? “Okey lang ako. Pero sabi ko nga sa kanya, bakit siya nagso-sorry if she knows na wala naman siyang ginawa or hindi siya nang-offend. Sana lang, ibalik niya 'yung dating Valerie. Sana rin, huwag na niyang ulitin sa iba . Sana, walang maliit sa industry at walang big star sa kanya,” sabi na lang ni Jenny. Source: Abante |