Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn Mercado, Mark Herras ready nang magpa-sexy

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

READY to 'bare' na raw sa pagpasok ng Year of the Ox ang GMA Artist Center talent na si Mark Herras.

Dahil ang susunod na project nito sa Kapuso titled Paano Ba ang Mangarap ay may sexy scenes na first time na gagawin ni Mark. Ita-try na raw niya ang medyo mature role sa kanyang new soap katambal ang original ka-love team na si Jennylyn Mercado, na ready na ring magpa-sexy sa TV at pelikula.

Kaya naman nga-yon pa lang ay pinaghahandaan na ito ni Mark sa pamamagitan ng pag-dyi-gym araw-araw para 'pag nag-start na ang taping nila ay maganda na ang kanyang kata-wan.

Kung titingnan nga-yon si Mark ay lumalaki na ang body, kumpara noon na sobrang payat. Pansamantala, regular na napapanood si Mark sa Luna Mystika at SOP.

* * *

MAY dapat ipagbunyi ang mga Pinoy dahil sa pagkakapanalo ng batang singer sa katatapos na WYCOPA (World Championships of Performing Arts in Hollywood U. S. A. 2008 na si Glee Nette P. Gaddi.

Naiuwi niya sa Pili-pinas ang karangalang 2008 Over all Category Winner Plaque Recipient for Female Division ng Vocal Gospel 10-year-old under, Vocal Open 10-year-old under, at Vocal R& B /Soul /Jazz 10-year-old under.

Bukod sa napanalunang plaque ay humakot din siya ng gold me-dals sa Female Vocal Gos-pel Age 8-10, Female Vo-cal Open/Jazz Age 8-10, Female Vocal Pop Age 8-10, Female Vocal R&B/Soul/Jazz Age 8-10 at Sil-ver sa Female Vocal Broadway Age 8-10. Nakakuha rin siya ng Industry Award for Marketability & Versatility, at marami pang ibang puwede talagang ipagmalaki ng Pilipinas.

Nakatakdang magkaroon ng concert ang kid wonder na si Glee Nette sa Funnside Timog sa Dec. 20. Dito ay pahahangain naman niya ang kapwa mga Pinoy.

* * *

ANG mapasama sa isa sa mga bubuksang bagong teleserye ng Kapuso ang wish ngayong Pasko ng petite-young star na si Joy Ve-lasco.

Iba raw kasi ang da-ting ng sinumang artista kapag halos araw-araw napapanood sa TV.

Forte ni Joy ang dra-ma kaya naman maipapakita niya ang galing sa pag-arte at mas mahahasa pa kapag napa-sama siya sa isang teleserye. Ar-tista si Joy ng Regal Films entry sa '08 Metro Manila Film festival na Shake, Rattle and Roll 10 kung saan ginagampanan niya ang 'di mata-himik na multo.

* * *

HINDI na yata nauubusan ng isyu ang Eva Fonda main star na si Cristine Reyes. At isa rito ang isyung natalbugan na niya ang major stars ng Dos sa taas ng ratings ng kauna-unahang solo show niya sa Kapamilya network. Idagdag pa ang katotohanang mas sikat na siya ngayon kesa sa kanyang ate Ara Mina.

Source: Taliba