Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn Mercado, Mark Herras 'very sweet' sa Kapuso 2009 Countdown show

Author: People's Taliba
Column: Intriga

KAAALIS lang last Dec. 30 ng controversial na si Katrina Halili papuntang Amerika.

Dapat sana ay sa Dec. 26 ang alis ni Katrina pa-U. S. kung saan maka-kasama niya ang boyfriend na si Kris Lawrence para salubungin doon ang Bagong Taon.

Kaya lang, may taping pa siya for Gagambino kaya na-delay ng apat na araw ang kanyang pag-alis.

Pero, bago umalis si Katrina, inamin niya on national television na nagkaroon nga sila ng re-lasyon ni Dr. Hayden Kho.

Pero, matagal na raw 'yon at labis niyang pinagsisisihan ang paki-kipagrelasyon niya kay Hayden.

Hindi rin daw totoo na kaya siya aalis papuntang Amerika ay para ta-kasan ang kontrobersi-yang kanyang kinasa-sangkutan.

Wala raw siyang dapat takasan dahil 'di raw siya affected.

At walang dahilan para paapekto siya dahil matagal na raw naging sila ni Hayden.

Kahit nga raw ang boyfriend niyang si Kris ay dedma lang sa nasa-bing tsismis. Dahil bago raw ito pumutok, matagal na niyang naikuwento ang lahat-lahat kay Kris.

* * *

MARAMING nagsasa-bing malaki ang posibi-lidad na magkabalikan ang parehong GMA Ar-tist center prime artists na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado na nagbabalik-tambalan.

Nito ngang nagkasama sila bilang performers at nagkausap nang masinsinan sa Kapuso 2009 Countdown na ginanap sa Seaside ng Mall of Asia, may nakakitang pa-nay ang lambingan nila sa backstage.

Nahalata rin ng informer namin na kung minsan daw ay tipong na-iiyak si Jennylyn sa masinsinan nilang pag-uusap.

Marami-marami na rin naman ang nakakapansin na muling nagkakalapit ang loob ng dalawa. Malimit na nga ring may nakakikitang duma-dalaw ngayon si Mark sa bahay ni Jen. At kung maaalaala, last na nagpunta sila sa Dubai para sa isang show doon, nag-effort talaga si Mark na daanan si Jen sa bahay nito para sabay na silang magpunta sa airport.

Kaya naman abangan na lang ang mga susu-nod na mangyayari sa dalawa lalo`t malapit nang mag-start ang soap na maglulunsad muli sa kani-lang tambalan, ang Papano Ba ang Mangarap.

* * *

NATUTUWA kaming makita ulit ang aming kaibigang si Long Mejia. May tig-isa siyang shows sa dalawang TV networks. Ang sitcom na Everybody Happi sa TV5, at Dragonna sa ABS-CBN .

New Year wish daw ni Long na magtuluy-tuloy ang pagdating sa kanya ng mga proyekto nga-yong year of the Ox.

* * *

TAUS-PUSO po akong nagpapasasalamat sa lahat ng nagsilbing Sta. Claus sa inyong abang lingkod ngayong Yuletide Season.

Salamat sa blessings nitong Pasko at Bagong Taon mula sa aking mga alagang sina Chariz at Robert Solomon, Arvin King , JR de Guzman and family, Mark Herras at Daddy Jun, Krissa Mae, My GMA Artist Center family, G. A. Villafuerte, Yasmien Kurdi, Joy Velasco and mommy Thess, Ysa Villar and mommy Chuchie, Erich Gonzales and mommy Rica, Tita Becky Aguila, Valerie Concepcion, Alfred Vargas, Joy Cancio, Cris (ng GMAAC), Tita Nene Rie-go, mother Ricky Reyes, Sen. Bong Revilla, Sen. Loren Legarda, Direk Cesar Apolinario, Sheena Halili and mommy Beth, Tito Noel Evangelista of JMN Radio and TV Prods. , Noel Asiñas, Ryza Ce-non, James Mendoza, mommy Karen and Raphael Martinez, Jolina Magdangal, Lance and Rannie Ray-mundo, Tito Boy Abunda, Ai Ai delas Alas, Ma-riel Rodriguez, Joel Cruz, Ramon Sabella, Judy Ann Santos, Ramil Omusura, Direk Sean Lim, Joey Sarmiento, Mam Guia of Bagong Tiktik, Jerry Yap of Hataw, Janice de Belen, Gelli de Belen and Carmina Villarroel.

Sa inyong lahat, at sa iba pa, HAPPY NEW YEAR!

Source: Taliba