Nov 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn Mercado nawawala

Author: Nitz Miralles

No show si Jennylyn Mercado sa presscon noong Saturday sa Max's Restaurant para sa kanyang I Am Woman birthday concert sa May 14 sa Music Museum.

Six p. m. naka-schedule ang presscon at hapon pa lang, nawawala na ang singer-actress at hindi na rin siya dumating sa Startalk, kung saan guest din siya at may special segment sana.

Ang manager nitong si Becky Aguila at ang director ng concert na si Calvin Neria na ang humarap sa press at nag-promote ng concert. Kabado ang dalawa dahil hindi sinasagot ni Jennylyn ang tawag sa kanyang celfone, kaya after the presscon at sa tulong ng tita ni Jennylyn, hinanap ito nina Becky.

Kahapon sa S. O. P. ay may selebrasyon ng birthday ni Jennylyn, pero habang tina-type namin ang column na ito, hindi pa rin namin siya napapanood. May big promo rin dapat siya for her concert at kung hanggang matapos ang show ay 'di siya lumabas, sa Mel & Joey na lang siya makapag-promote ng concert.

Kuwento ni Calvin, masaya pa si Jennylyn sa rehearsal last Tuesday at sa sobrang tuwa, nag-treat pa ito sa Starbucks.

Bukas, may band rehearsal siya sa umaga at sa hapon ang dance rehearsal nila ni Mark Herras at wish ni Calvin na dumating ito, lalo na sa kanyang concert na matagal nang pinaghandaan at ginagastusan ng Eagle Eye Entertainment at JLC Entertainment.

* * *

Inihahanda na rin ang sunod na soap ni Dingdong Dantes at sa S. O. P. kahapon, formal na in-announce ng GMA-7 na ang Pinoy adaptation ng Korean novela na Stairway to Heaven ang next project niya. Kay Dingdong ibinigay ang role ni Cholo na ginampanan ni Kwon Sang-woo sa K-novela.

Sabi, si Jennylyn Mercado ang gaganap sa role ni Jodi na sa K-novela ay ginampanan ni Choi Ji-woo at ito rin ang next series ni Jennylyn after Paano Ba Ang Mangarap? Inaabangan din kung kanino ipagkakatiwala ang role ng kontrabidang si Janine portrayed by Kim Tae-hee.

Mayroong gusto si Heart Evangelista ang maging leading lady ni Dingdong, kaya lang may problema, hindi siguro papayag si Annabelle Rama na makatrabaho ng talent niya ang talent ni Perry Lansigan. May pumapabor kay Nadine Samonte sa role ni Eunice, pero ang management ang masusunod.

Kapag na-interview si Dingdong, aalamin namin ang kanyang paghahanda sa Stairway to Heaven. Maiinggit sa kanya si Mark Anthony Fernandez dahil gusto nito ang STH.

"I will never let you down" ang pangako ni Dingdong na tuwang-tuwa at excited sa pagkakapili sa kanya sa role ni Cholo.

* * *

Ngayong Lunes mag-sisimula nang mag-host si Sunshine Dizon sa Unang Hirit at kung sa All About Eve ay umaarte lang siyang host, sa morning show ng GMA-7 ay tunay na siyang host.

Sabi'y siya ang pan-samantalang kapalit ni Jolina Magdangal na hindi muna makakapag-report dahil nagti-taping na ng Adik Sa 'Yo, pero matutuwa si Sunshine kung kukunin na rin siyang permanent co-host.

Tamang-tama ang pagdating ng Unang Hirit dahil malapit nang matapos ang taping ng All About Eve at wala pang balita kung ano ang next soap ni Sunshine.

Samantala sa AAE, hindi pa rin nakikita si Frederico (Richard Gomez) at sa vigil, muling magsasagupa sina Katrina (Jean Garcia) at Alma (Eula Valdez). Galit din si Nicole (Iza Calzado) kay Katrina sa paniwalang ito ang pumatay sa ama at kanyang ina.

Galit si Warren (Alfred Vargas) kay Erika (Sunshine) at ayaw niya itong kibuin at gagawin lahat ni Erika para bumalik ang amor sa kanya ng dating nobyo.

* * *

Bukas, May 12, ang dating nina David Cook at David Archuleta para sa May 16 concert nila sa MOA concert grounds. Hindi lang sila sabay darating dahil galing sa London si Archuleta at si Cook ay galing Los Angeles.

Dahil sa kabisihan sa pag-aasikaso sa concert, wala nang love life si Jomari Yllana at maniniwala na sana kaming celibate siya, kaya lang, nag-dialogue na lahat ng bisyo ay iniwan na niya, maliban sa pagsisinungaling. 'Kaloka!

Nagkita pala sina Jomari at Ara Mina sa birthday party ng reporter na si Archie de Calma last week. Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Makibalita nga!

* * *

Monday sa 5Max movies ng TV5, mapapanood ang Absence of the Good na bida si Stephen Baldwin. Tungkol sa homicide detective na nababahala sa pagkamatay ng kanyang anak.

Tuesday movie, featured ang The Perfect Man starring Hillary Duff, Heather Locklear at Chris Noth. Perfect mom and daughter bonding movie ito, kung saan gumawa ng secret admirer for her mom si Hillary.

Source: People's Tonight