Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn Mercado on Andrei Felix: 'Kaibigan ko siya, ganun lang'

Jennylyn Mercado on Andrei Felix: 'Kaibigan ko siya, ganun lang'

Author: Julie Bonifacio

Sinalubong ng mga intriga si Jennylyn Mercado sa presscon ng comeback movie niya together with Alessandra de Rossi, Katrina Halili, Diana Zubiri at Valerie Concepcion at official entry ng Octo Arts para sa 2008 Metro Manila Film Festival na One Night Only.
May balita na nu'ng biglang umalis ng bansa si Jennylyn papuntang Amerika nagkita raw sila doon ng MYX VJ at nali-link sa kanya ngayon na si Andrei Felix. "Ang alam ko ibang state siya. Hindi naman kami nagkikita, e, kaya hindi rin kami nakapag-usap. Pero alam ko na nandu'n siya. Kasi may nagsabi sa akin na 'Uy, nagkita raw kayo?' Hindi, ah. Bakit nandun ba siya? Sinabi lang nila sa akin na nandun din siya pero hindi ko talaga alam." Hindi naman dine-deny ni Jennylyn na magkaibigan sila ni Andrei. "Ay, hindi. kaibigan ko siya, ganu'n lang siya." Naapaktuhan ba ng tsismis sa kanila ang friendship na namamagitan sa kanila ni Andrei? "In a way kasi magkaibigan lang talaga kami. 'Tsaka hindi naman masamang makipagkaibigan 'di ba? Unang-una, kaibigan mo lang naman at wala namang masamang intensyon at ah, ... iwas na lang. Imbes na magkaibigan kayo iwas na lang muna kasi ginagawan ng kulay, ginagawan ng malisya. So, wala na muna. Wala na munang kaibigan." Pero lumalabas pa rin sila bago siya nagpunta sa US? "Hindi," sagot ni Jennylyn. Sabi ni Mariel Rodriguez sa Entertainment Live! na nakita raw niya na agkasama sila ni Andrei. "Ngeee! Nakita ko si Mariel pero hindi kami magkakasama. Ako lang mag-isa. May nakita rin nga ako, eh, kahapon. Pero ako lang mag-isa. Sabi nu'ng nakita ko, 'Sino'ng kasama mo?' 'Ako lang mag-isa. Kita mo ako lang mag-isa." Kung sakaling manligaw sa kanya si Andrei may pag-asa ba sa kanya? "Single naman ako. Wala namang masama. Why not? 'Tsaka darating din 'yun. Darating din yung tamang tao para sa akin. Huwag naman muna. Ayoko na munang pag-usapan ang lovelife kasi wala naman, eh."

Magpapaligaw muna siya at magaganda-gandahan siya ngayon? "Oo, magaganda-gandahan lang ako," ngiti ni Jennylyn. Sa naranasan niya may certain requirement na ba siya sa mga manliligaw niya? "Siguro this time kung saka-sakaling magkakaroon ako ng boyfriend at may manlilligaw sa akin siyempre ano, dapat pumasa sila sa requirement ko. Talagang kailangan salang-sala na. Ayoko ng magkamali ulit. Tama na 'yon." Ano ang requirement naiy na 'yon? "Akin na lang 'yon. Basta ano, basta sa akin na manggaling 'yon Huwag ko na sabihin. Personal na 'yon." What about ang dati niyang kalabtim at boyfriend na si Mark Herras? May tsismis na magkasama silang nagpunta sa Dubai. Totoo ba? "Eh, magkaibigan naman kami noon, eh. Magkatrabaho lang, magkaibigan. Though hindi naman ako nagsasara ng pinto. Pero siguro sa ngayon ayokong pag-usapan ang lovelife kasi wala, eh. Wala naman talaga, eh. Siguro darating na lang 'yon. Malalaman din naman ninyo kung meron, eh. At sasabihin ko naman."

Masaya namang ibinalita ni Jennylyn na lumalaki na ang kanyang anak na si Baby Jazz. Ngayon pa lang ay curios na ang marami kung pag-aartistahin din ba niya ang kanyang baby. "Ah, hindi na muna. Kasi hindi naman siya artista, Ako lang 'yung artista." Pero bakit inilabas niya ang pictures ni Baby Jazz sa kanyang coffee table book? "Ah, siguro kung gusto nilang makita bumili sila ng coffee table book. 'Yun lang, hanggang doon lang." Bakit hindi natuloy ang launching ng coffee table book niya? "Ah, sa ngayon kasi nagkaroon lang ng konting problema, 'yung nangyari sa akin recently. Pero I think by January or February siguro, hopefully, makalabas na."

Ngayon pa lang may mga nagre-react na sa kanyang coffee table book. Hindi raw magandang example para sa mga kabataan kasi naanakan siya out of wedlock. "Ah, okay. Siguro ano parang it serves as an inspiration 'yon, lesson, 'yun lang 'yung maibibigay ko sa kanila sa coffee table book ko. But not encouraging them na magbuntis kayo o mag-single mom kayo o magkamali kayo." Payag ba siya na magkaroon ngn commercial ang anak niyia? "Oo naman. bakit hindi?"
With Patrick? "No! Hahaha!" Hanggang kailan siya magmamatigas kay Patrick? "Forever. Hahaha!" Tuldok na ba talaga ito? "Oo, tuldok. Period na nga kaya ayaw ko na siyang pag-usapan." May bago na raw dini-date si Patrick ngayon? "Well, at least naka-move na siya. Yan naman ang gusto ko, eh. Para wala nang gulo. Ayoko na rin makakita ng pangit." Gusto ba niyang ipakita ang baby niya sa pamilya ni Patrick? "Hindi," sagot ni Jennylyn. "So far, sinabi ko, paulit-ulit ko ng sinasabi period, wala na talaga." Pero hindi naman inaalis ni Jennylyn ang posibilidad na magkatrabaho ulit sila ni Patrcik. Payag ba siya na magkaroon ng kissing scene with Patrick either sa pelikula o telebisyon? "Ayaw ko siyang pagusapan. Basta tapos na." Kailan ang binyag ni Baby Jazz? "Wala pa. Actually, hindi ko pa talaga alam." Pero 'yung pa rin daw mga nasa original list daw ng godparents ni Baby Jazz ang kukunin ni Jennylyn kapag may date na ang binyag ng kanyang anak.

Plano ni Jen na mag-spend ng Christmas season kasama ang kanyang pamilya sa isang malaking reunion. Ano naman ang kanyang Christmas wish? "Ano ba? Peace of mind, good health para sa akin at sa baby ko." Paano kung mag-Santa Claus si Patrick sa kanila ni Baby Jazz? "Ay, naku! Hindi siya papasukin ng gwardya." Naka-ban ba si Patrcik sa bahay nila? "Naku, ayaw ko na siyang pag-usapan. 'Tsaka hindi naman 'yun pupunta, eh." Malay niya? "Ayoko," diin ni Jennylyn. Kahit maglakad pa ng paluhod sa kanila si Patrick? "Kahit lumuha pa siya ng dugo," matigas na pagtatapos ni Jennylyn.

Source: ABS-CBN Interactive