Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn Mercado returns after brief hiatus

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Clueless ang young actress na si Jennylyn Mercado sa Chinese-Japanese actor na si Jacky Woo na magiging leading man niya sa kanyang second indie film, tentatively titled Manila-West Side Story.

Tinanong pa nga ni Jennylyn ang PEP (Philippine Entertainmeny Portal) ng ilang details about the actor. Sinabi naman sa kanya na si Jacky ay lumabas na sa mga Tagalog films gaya ng Alab ng Lahi with Robin Padilla, Panaghoy Sa Suba with Cesar Montano, and Ispiritista with Vic Sotto.

Sa story conference ng Manila-West Side Story, na produced ng Forward Group Inc., sa Dulcinea kahapon, October 9, nakausap ng PEP si Jennylyn at cute ang pagka-clueless nito sa identity ng kapareha. Nakatingin lang ito sa Chinese-Japanese actor habang nagsasalita in his broken Tagalog, pero excited na raw siyang makatrabaho ito.

Ten days tatapusin ni Jacky ang pelikula na siya rin ang direktor. Bigla niyang ipina-revise ang script nang malamang kumakanta rin si Jennylyn. Action-musical kasi ang pelikula at parang kulang kung hindi raw kakanta ang young actress-singer.

Busy na naman si Jennylyn sa dami ng trabaho sa movies at TV. Tapos na niya ang Nars, her first indie film, at tinatapos na rin niya ang Resiklo, entry ng Imus Productions sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Balik-TV naman siya sa soap opera ng GMA na La Vendetta, also starring Sunshine Dizon and Jean Garcia, na sa Friday (October 12) na ang simula ng taping. Balik-tambalan din ito nina Jennylyn at Mark Herras, na magkapareha rin sa Joaquin Burdado ni Robin Padilla. Naka-schedule naman ang story conference ng Joaquin Burdado sa October 18.

One month ding magge-guest si Jennylyn sa Bubble Gang. Hindi lang nasagot ni Jennylyn ang aming tanong kung kailan siya babalik sa SOP.

Ano ang feeling ni Jennylyn na busy uli siya sa TV?

"Kabado, sobra!" sagot ng young actress. "Sa first taping day nga namin ni Mark ng Magpakailanman, kinabahan ako, parang nakalimutan ko na ang umarte. Sa first scene namin ni Mark, nailang pa ako. Parang nahirapan akong bumalik, pero dahil si Mark ang kasama ko, mabilis akong naging comfortable. Dumaan ang time na inisip kong tapos na ang career ko dahil sa mga nangyari, thankful ako dahil hindi naman pala."

Nasa story conference ng Manila-West Side Story ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila. Sinubukan ng PEP na tanungin si Jennylyn sa nabalitang gap nila ng manager, pero ayaw nitong magsalita noong una.

Later on ay nagbigay na rin ng pahayag si Jennylyn kahit maiksi lang.

"Hindi kami nagkasamaan ng loob. Hindi ko rin sinabing booking agent ko na lang siya. Hindi ko talaga alam ang sinasabing gap namin," wika nito.

Tinanong din si Jennylyn kung ang presence ni Becky sa storycon ay para patunayan sa kanyang hindi siya pinababayaan nito. Ang one-liner na sagot ng singer-actress ay "ngayon lang."

Napag-usapan din namin ang kontrata niya sa GMA. Ang sabi ni Jennylyn, hanggang February next year na lang ang kontrata niya, kabaligtaran sa alam ng PEP na up to 2009 pa siya exclusive sa Kapuso network.

"May extension for two years ang contract ko at desisyon ng GMA kung gusto nilang i-extend ang contract ko. Sa akin, okay kung i-extend nila ang contract ko," sabi niya.

Kasunod nito, ibinalita ni Jennylyn na malapit nang matapos ang third album niya sa GMA Records to be released either December or January next year. Wala pang title ang 12-track album na karamihan ng tracks ay covers, kasama na ang "How Do I Live" na original ni Trisha Yearwood at binigyan nila ng bagong areglo ni Janno Gibbs na ka-duet niya sa song. May remake din siya ng "Someone's Always Saying Goodbye" at isang kanta ni George Benson.

Becky Aguila

Sa story conference ng indie movie na Manila-West Side Story kahapon, October 9, sa Dulcinea restaurant sa Quezon City, ay nakausap din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila. Sinabi nitong talent pa rin niya ang singer-actress na bida sa naturang pelikula with Jacky Woo.

"Manager pa rin ako ni Jennylyn at hindi booking agent," diin ni Becky. "Walang problema sa aming dalawa at natural reaction kung magtampo siya. But I'm doing my job para hanapan siya ng trabaho outside of GMA. Ako ang nagbigay sa kanya ng Manila-West Side Story.

"Hindi ko siya pinababayaan. I'm very supportive of her. We're not going to touch money matters here... Naaawa ako sa kanya. Saan ba galing ang isyung may P1.5 million siyang utang sa akin?" tanong ni Becky tungkol sa isyu na may utang sa kanya si Jennylyn.

Matatandaang naglabas ng kanyang sama ng loob si Jennylyn sa taped interview niya sa The Buzz noong September 30. Ayon sa young actress ay naapektuhan ang kanyang career sa alitang namagitan kay Becky at sa GMA-7 bunsod ng paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN.

"Sino ba naman ang di maiiyak, di ba? The feeling na na-abandoned ka and everything. Kasi na-freeze na nga ako at naapektuhan ako tungkol sa ginawa nila. Sino ba naman ang hindi sasama ang loob, di ba?" pahayag ni Jennylyn.

Pero pinabulaanan naman ni Becky na pinabayaan niya si Jennylyn. Sa interview naman nito sa Entertainment Live noong October 6, sinabi ni Becky na, "I did my part as a manager. And also as a second mother to her, I lifted her spirit and I told her, 'Hindi kita pababayaan because nga may ganyang problema.' And hindi ko magawa yung function ko as a manager sa network...I mean for Jennylyn. So I got her several projects outside [GMA Network]."

Dagdag pa niya, "Jennylyn will always be my alaga. It will always be for her upliftment and kung anuman yung para sa best interest niya, kung kailangan munang mag-sacrifice, tanggap ko 'yan. Anything that would do her good. Jennylyn is really very special. Mahal na mahal ko si Jen."

Samantala, ibinalita ni Becky sa PEP na may concert si Jennylyn sa Zirkoh sa November 24. Guests ni Jennylyn sina Janno Gibbs, Jay-R Siaboc, Valerie Concepcion, at Nyoy Volante. Ayon pa kay Becky, raw totoong puro ABS-CBN stars ang inilagay niyang guests sa concert ni Jennylyn dahil sina Jay-R at Valerie lang daw ang taga-Dos. - Philippine Entertainment Portal

Source: GMANews