|
|
| Jennylyn Mercado set to launch her coffeetable book on motherhood![]() Author: Rose Garcia For the first time, nagpaunlak si Jennylyn Mercado ng on-cam interview sa Startalk na ipinalabas kahapon, October 18. Ito ay may kaugnayan sa kanyang bagong project na ilu-launch, ang kanyang coffeetable book. "Gusto ko lang magkaroon ng remembrance. Minsan ka lang magbuntis at para magtanda ako!" natatawa niyang sabi. Ayon kay Jennylyn, naiiba raw ang coffeetable book niya. "Iba 'to kasi 'yung concept niya, very unique. Like meron siya sa bathtub. At marami silang matutunan like pregnancy, motherhood..." Nagpasalamat at humingi ng suporta si Jennylyn sa kanyang mga fans. "Sa mga fans ko, thank you sa suporta n'yo. Huwag kayong magsasawa at abangan n'yo po ang pagbabalik ko. Sa November na po 'yan, out na po sa mga bookstores." Isa pa sa nakatakdang gawin ni Jennylyn ay ang pelikulang One Night Only ng OctoArts Films na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival. "Okey naman, fun. Medyo nanibago, pero okey lang. Ang tagal kong hindi nag-shooting," sabi ni Jennylyn. After that, kinausap din nina Joey de Leon at Lolit Solis si Jennylyn nang live via phone patch sa Startalk kahapon. Tinanong ni Joey si Jennylyn kung bakit naisipan niya na magkaroon ng coffeetable book. "Very educational po itong aking coffeetable book," sabi ni Jennylyn. "Bale remembrance po ito ng aking pregnancy. Yung delivery ko po, makikita rin po ro'n. Yung mga pictures po simula nang magbuntis ako, manganak ako. Noong lumabas na si AJ [Alex Jazz, Jennylyn's son with Patrick Garcia], nandoon din at yung mga pictures naming dalawa. Hanggang sa medyo malaki na siya... Two months na siya." May kuha ba siya na totally nude siya? "Opo, noong buntis po ako," sagot ni Jennylyn. Biro sa kanya, ibig bang sabihin ay may breastfeeding pictures din siya since "educational" ang kanyang coffeetable book? "Wala po!" tawa ni Jennylyn. "Hindi ko po siyempre ipapakita yun. Pero nandoon po ang mga experiences ko ng motherhood, hanggang sa lumabas ang baby. Hanggang medyo lumalaki na siya. Marami silang matututunan tungkol sa pagiging single mom at experiences sa buhay." May plano rin daw silang i-distribute sa Amerika ang kanyang coffeetable book kapag daw nakahanap sila ng mag-i-sponsor sa kanila sa States at sa kanyang coffeetable book. May mga supporters din daw kasi sila doon na posibleng hindi makabili kung dito lang sa bansa ire-release. Sa One Night Only ay makakasama ni Jennylyn sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Valerie Concepcion, at Alessandra de Rossi. Okay na ba sila ni Alex pagkatapos mabalita noon na nag-away sila dahil kay Jeremy Marquez? "Hindi po...hindi po totoo 'yan. Okey naman po kami!" natatawang sabi ni Jennylyn. Balitang si Jennylyn ang unang bumati kay Alex nang magkita sila sa pictorial. Ano naman ang reaksiyon ni Alex? "Opo naman! Nag-smile naman po siya, e. Pagdating ko sa pictorial, bumati ako sa kanya. Nag-smile naman siya. Pati pag-alis po, ganoon din po." Aware ba si Jennylyn na Alex ang ipinangalan niya sa anak kahit na meron silang hindi pagkakaunawaan noon ni Alex de Rossi? "Hindi naman po! Wala naman po akong sama ng loob kay Alex. At saka okey naman na po kami. Magkaibigan na po kami. Wala naman pong masama kung ipangalan ko sa kanya ang baby ko." Hirit naman ni Lolit, "Bakit hindi mo na lang ipinangalan na Mark Herras?" "Why not?! Sa susunod na lang po siguro!" natatawang sabi ni Jennylyn. Natawa rin si Jennylyn sa suggestion ni Lolit na tutal, hindi pa naman daw nabibinyagan, puwede na rin daw itong pangalanan ng Alex Jazz Mark. "Puwede...puwede!" sabi naman ni Jennylyn. Tinanong ni Joey si Jennylyn kung sino ang kamukha ng kanyang anak. "Ako! Kamukha ko po. Kamukhang-kamukha ko po talaga ang baby," sagot ng young actress. "Bakit ikaw lang ang kamukha, hindi kamukha ang tatay?" tanong ni Joey. "Ako lang po, e. Sa akin lang po yun, e!" natatawa niyang sabi. Kung si Mark Herras na dating boyfriend ni Jennylyn ay nakadalaw na--pero hindi nito nakarga ang bata dahil may sakit si Mark nang dumalaw--si Patrick Garcia na ama ng kanyang anak ay nakadalaw na? "Hindi... Pero naku, sorry po, ayoko na pong ipasok yung isyu na 'yan," iwas ni Jennylyn. Hindi niya ba ipapakita kahit kailan kay Patrick ang anak niya? "Anak ko lang po 'to. Please, ayoko na po siyang pag-usapan." May balik tambalan ba sila ni Mark? "Naririnig-rinig ko pa lang din po yun, pero wala pa po akong balita tungkol doon." How does she feel na nariyan pa rin ang mga Mark-Jen fans? "Siyempre, I'm very happy and thankful ako sa mga supporters naming dalawa. Nariyan pa rin sila. Hindi nila kami pinapabayaan," saad ni Jennylyn. Sa SOP kanina, October 19, ang first live TV appearance niya pagkatapos niyang manganak at mamaya naman sa Showbiz Central ay live din siyang magge-guest. Source: Philippine Entertainment Portal |