|
|
| Jennylyn, Nadine testigo ni Yasmien against Baron GeislerAuthor: Noel Asiñas NAIKUWENTO nina Jennylyn Mercado at Na-dine Samonte sa press na sobrang suporta sila sa ipinaglalaban ni Yasmien Kurdi against Baron Geis-ler. Kasi, alam naman nilang dalawa kung ano ang nangyayari sa loob ng set ng Suspetsa ng SRO Si-neserye ng GMA7 na ipa-palabas ngayong Huwe-bes ng gabi. Ayon sa dalawa, mula pa noong magkasama sila bilang StarStruck batch 1 contestants ay magkakaibigan na silang tatlo. Na-rekindle pa ito nang muli silang magka-sama sa isang mini-series, ang Suspetsa. Nagkakabalitaan sila ng mga panyayari tung-kol sa kani-kanilang buhay habang nasa set ng SRO. By the way, ang pa-ngunahing testigo ni Yasmien against Baron ay sina Jen at Nadine. * * * SUPER-BUSY talaga si Ogie Alcasid. 'Di biro ang magkaro-on ng tatlong TV shows sa Kapuso network, ang SOP, Bubble Gang at Hole in the Wall na daily pang ipinapalabas. Tapos, tumanggap pa si Ogie ng dalawang mo-vies na halos sabay ni-yang nilalagare ngayon. Kaya minsan, halata na kay Ogie ang sobrang pa-god. Mababanaagan ito kay Ogie sa SOP. Pero, sadyang workaholic si Ogie, kaya naman walang masasabi ang production sa kanya. Kasi, trabaho lang talaga siya. Wala na nga kaming nababalitaan na nagka-karoon pa siya ng night life. Kahit malungkot si Ogie ngayon dahil wala si Regine, idinadaan na lang niya sa trabaho ang lahat. Ngayong Biyernes sa Bubble Gang, si Ogie Alcasid, bilang spoiled brat na si Angelina, matu-tuto nang magmura. Abangan kung kaka-yanin pa ito ng martir na si Michael V bilang yaya niya. Samantala, isa na namang nakaaaliw kanta ang ihahandog sa atin ng Moymoy Palaboy sa pag-awit nila ng sariling version ng Let's Get Star-ted. Muli rin nating balikan ang ilan sa best commercial spoofs ng Bubble Gang tulad ng Lungcare Plus ni Robin Padilla, My San Graham, at UFC Banana Ketchup. Kasama pa rin ang best gags ng Sunog, One Night Stand, at Baba sa Jeepney. Bukod sa mga nabanggit, isang bagong childish issue na naman ang pagtatalunan ng isang couple na kung mag-away ay para talagang mga bata. Magbebenta si Bitoy ng isang invisible orange bag sa halagang P5,000. sa Ang Bag. Huwag magpahuli at makitawa na sa mas pinakuwelang Bubble Gang ngayong Biyernes, pagkatapos ng One Liter of Tears sa GMA7. * * * TALAGANG bigatin ang primetime TV gameshow na inilabas ng TV5 na Who Wants to be a Millionaire? Hundreds of thousands of viewers ang tumutok sa pagbabalik ng bossing ng mga gameshow hosted by Vic Sotto na nakapagtala ng pinakamataas na ratings for a pilot episode within its genre sa TV5. Si DJ Mo Twister ang unang sumalang sa hot seat. Ironically, natapos ang round ni Mo sa hindi nito pagsagot sa isang music trivia question tungkol kay Freddie Aguilar at sa kanta nitong na-nalo sa Metropop Song Festival na Bulag, Pipi, at Bingi. Sinundan siya ng teen star na si Megan Young sa second round at natapos din ang pag-asang manalo ng dalawang million dahil hindi niya alam ang birthday ni Barbie Doll. Source: Taliba |