|
|
| Jennylyn, ayaw siraan si Patrick kay GlaizaAuthor: Nitz Miralles MATIGAS si Jennylyn Mercado at tuloy ang demanda niya sa isang tabloid na naglabas ng baptismal photos ng anak niyang si Jazz, pero ayaw niya itong pag-usapan sa presscon ng Paano Ba Ang Mangarap? dahil may right place and time raw para rito. Abangan na lang daw at may inihahanda siya tungkol dito. Na-file na rin ang demanda niya sa dating road manager at mababalitaan na lang kung kelan ang hearing. Focused sa balik-tambalan nila ni Mark Herras si Jennylyn dahil pilot na nito sa February 16 at natuwa ito sa narinig kay Direk Joel Lamangan na pinuri ang acting nila at ang ibang batang cast dahil nakikita ang effort na galingan ang trabaho. Open si Jennylyn kung may love scene sila ni Mark dahil kasama 'yon sa trabaho at alam na magiging professional ang actor sa kanilang eksena. Iba na raw si Mark ngayon, seryoso, focused at laging nagbabasa ng script, 'di na maharot at malikot. Hindi maiwasang itanong si Patrick Garcia, wala na raw siyang galit at wala nang bitterness sa ama ng kanyang anak. "Burado na siya sa isip ko at kung makasalubong ko siya, okey lang. Happy ako sa kanila ni Glaiza (de Castro). Ayaw kong magbigay ng payo kay Glaiza, ayokong siraan si Patrick," say ni Jennylyn, na ikinatawa ng press. * * * AS of presstime, nakatanggap kami ng balita na binigyan ng Cinema Evaluation Board (CEB) ng gradong "B" ang second Richard Gutierrez-KC Concepcion starrer na When I Met U. Ayon pa sa nasagap naming tsika mula sa isang source, mas pasado ang istorya ng joint venture na ito ng Regal Entertainment at GMA Films kesa sa naunang Richard-KC movie na For the First Time under Star Cinema. Siguradong by this time ay masayang-masaya ang mga bida ng pre-Valentine na pelikula, dahil sulit ang effort na ibinigay nila sa pagpo-promote nito. Incidentally, kagabi ginanap ang premiere night ng When I Met U na dinayo ng napakaraming tagahanga ng Richard-KC tandem. Ngayong Miyerkules naman ang simula ng regular run ng movie sa mga sinehan. * * * TAWA nang tawa si Angelu de Leon sa sinabi ni Direk Joey Reyes na masuwerteng babae siya dahil may love scene siya sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang at may kissing scene pa kay Dingdong Dantes. Hindi rin makapaniwala ang actress na makakahalikan niya si Dingdong at wish na magkaroon sila ng love scene. Ang laki ng ipinayat ni Angelu at sexy na uli siya. Sa tanong kung magpo-pose uli siya sa FHM, hindi pa siya makasagot. Tama na raw na nag-cover siya sa nasabing men's magazine noong 2003 at sa ngayon, okey na sa kanyang gumagawa siya ng love scene. Samantala, mamaya sa Ang Babaing..., pumunta sa bar sina Homer (Dingdong Dantes) at Proserfina (Marian Rivera) at makikita ng dalaga si Rado (Paolo Contis), ang masugid niyang manliligaw at matatakot si Proserfina rito. Maririnig naman ni Hera (Carmi Martin) na may ibang babae ang anak na si Homer. * * * HINDI isyu kay Bing Loyzaga na mother nina Mark Herras at Hero Angeles ang role niya sa Paano Ba Ang Mangarap? dahil artista siya at tanggap niya ang role na ibinibigay sa kanya. Isa pang ikinagusto ni Bing sa Sine Novela, si Direk Joel ang director nito na maagang nagsisimula ng trabaho at maagang natatapos. Hindi siya napupuyat na kailangan sa gaya niyang may sakit na hypertension. Yes, at 37 years old, may hypertension si Bing, kaya careful siyang magalit at bawal ding ma-excite. Under medication siya at stable ang blood pressure niya. Tumigil na siya sa paninigarilyo at binago ang diet. Thankful din siyang tinutulungan ni Janno Gibbs at ng dalawa nilang anak na hindi siya sumpungin ng sakit. * * * MAGKASAMA si Toni Gonzaga at ang Iaxe Band sa isang fund-raising concert na gagawin sa Christ's Commission Fellowship sa Sun City Plaza, Anabu 1, Imus, Cavite sa Feb. 21, 6 p. m. Ang kikitain sa concert ay para sa expansion ng CCF church sa Cavite. Sina Pastor Nett Gochuico at ang misis nitong si Bang ang overall in-charge sa expansion ng CCF church. Tickets at P300 are sold on a first-come, first-served basis. For inquiries, call Gem at 0917-5100218 or Fred at 0916-5179918. Source: People's Tonight |