Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn ayaw tularan si Angel

Author: Raymund Vargas

MARAMING katanungan pa rin tungkol sa kinabukasan ni Jennylyn Mercado sa GMA-7 ang hindi namin maihanap ng kasagutan.

Sa tingin namin, ang uncertainty na ito sa showbiz career ni Jenny ay hindi naman niya kasalanan. Biktima lang siya ng gap sa pagitan ng ilang opisya-les ng network at ng manager ng dalaga na si Becky Aguila, at may kaugna-yan din sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN.

Dahil sa pagkabilang-bakod ni Angel, ang iba pang alaga ni Becky ay inalis niya sa Siyete. One of them is Valerie Concepcion, na mabuti naman at may trabaho agad sa Dos, samantalang ang batang si Charming ay frozen delight, ganun din nga si Jenny sa GMA-7 na puro guesting na lang ngayon at walang regular TV projects.

May nakuha pa nga kaming info na may ilang projects sana ang young star sa Kapuso, ngunit sa bandang huli ay nalalaman na lang nila na napalitan na siya.

Suwerte namang napasyal kami sa location shooting ng MMFF 2007 entry na Resiklo kung saan kasama si Jenny.

Sa interview namin sa kanya, pinabulaanan niya ang ilang isyu tulad ng diumano ay plano ba niyang paglipat ng network.

“Wala ho, ang loyalty ko ay nasa GMA-7 dahil sila ang nagbigay ng break sa akin, at utang ko sa kanila kung ano ang tinatamasa ko sa ngayon. Kahit na siguro matapos ang kontrata ko sa kanila, GMA pa rin ako,” sinserong sagot ng young star.

Tungkol naman sa kawalan niya ng proyekto.

“Hindi ko po alam. Kung ang dahilan ay 'yung isyu kay Tita Becky, wala akong alam dun, kaya lang ako ang naiipit sa problema nila,” dagdag pa nito.

Ayaw magkuwento ni Jenny tungkol sa tsismis na may humaharang sa mga proyektong inialok sa kanya na bigla na lang sa iba ang nakikinabang.

“Sa ngayon, masaya ako dahil binigyan ako ni Sen. Bong Revilla ng film project at heto malapit na naming matapos itong Resiklo.

“Kahit paano ay nalilibang ako rito at kumikita dahil masayang kasama sina Dingdong Dantes, Paolo Contis, Michelle Madrigal at ang mga binata ni Sen na sina Jolo at Bryan Revilla, kaya enjoy ako rito,” kuwento pa ni Jennylyn.

Nalaman din namin na lilipad papuntang U. S. A. ang boyfriend ni Jenny na si Patrick Garcia para mag-aral ng directing at tatagal ito ng anim na buwan.

Ibinalita rin sa amin ng dalaga na may uumpisa-han siyang indie film at dasal niyang sana ay matuloy.

Source: Taliba