|
|
| Jennylyn, 'dinedma' ni Alessandra! Charice, kumanta sa charity event ni Andre Agassi![]() Author: Jojo Gabinete WALANG tensyon nang magkita sina Alessandra de Rossi at Jennylyn Mercado sa pictorial ng One Night Only noong Linggo sa studio ng photographer na si Dr. Marlon Pecjo. Si Jennylyn ang unang lumapit at humalik kay Alessandra habang nilalagyan ito ng make-up. Walang reaksyon sa mukha ni Alessandra sa ginawa ni Jennylyn pero siya pa rin ang pinaka-kikay sa pictorial. Ang One Night Only ang official entry ng Octoarts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival. Mga bida ng pelikula sina Alessandra, Jennylyn, Valerie Concepcion, Katrina Halili at Diana Zubiri. Disappointed ang mga TV crew na inimbitahan para i-cover ang pictorial ng One Night Only girls. Nadismaya sila dahil hindi nagpainterbyu si Jennylyn kahit sinabi nila na tungkol lamang sa pelikula ang kanilang mga itatanong. Bumalik kaagad si Jennylyn sa make-up room pagkatapos kunan ng video ang pagsasama nila sa unang pagkakataon ng mga bida ng pelikula. Diumano, mailap pa si Jennylyn sa entertainment press dahil hihintayin muna niya na lumabas ang kanyang coffee table book. Laman ng coffee table book ang mga litrato ni Jennylyn at ng kanyang anak na si Jazz. Nahirapan ang coordinator ng Octoarts Films na pagsama-samahin ang limang aktres dahil sa kanilang mga busy schedule kaya naging Linggo ang araw ng pictorial. Si Joey Reyes ang direktor ng One Night Only. Mabilis ang shooting ng pelikula pero hindi pa nagkikita sa set o nagkakasama sa mga eksena ang limang bidang babae. Explosive ang interview sa isang tao na nakakaalam sa mga lihim ng dalawang sikat na young actress. Pinag-aaralan pa kung ipalalabas sa TV ang explosive interview dahil maraming tao ang tiyak na madadamay at matindi ang mga sikreto na mabubunyag. Masahol pa sa kuwento ng isang suspense-thriller na punumpuno ng deceit ang mga rebelasyon ng interviewee na inuusig na ng kanyang konsensya. Maraming salamat uli sa Abante reader na si Ash Ketchum dahil sa website link na ipinadala niya sa amin, ang site ng mga litrato na kuha sa 13th Annual Andre Agassi Charitable Foundation's Grand Slam for Children na ginanap noong Sabado sa Wynn Hotel, Las Vegas. Kabilang si Charice sa mga supporter at performer ng charity event ng sikat na tennis player. “This performance tonight is for them. So, I'm really happy to be part of this, because I can relate to them,” ani Charice sa interview sa kanya sa red carpet. Hinihintay na ng fans ni Charice na ma-upload sa YouTube ang performance niya sa nasabing charity event. Nakunan ng litrato si Charice, kasama si Mariah Carey at ang asawa nito na si Nick Cannon. Makikita ang mga litrato sa www.mariahdaily.com/picturega...si foundation. Source: Abante |