Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn habambuhay na ipagdadamot si Jazz kay Patrick!

Jennylyn habambuhay na ipagdadamot si Jazz kay Patrick!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

Prangkahang sinabi ni Jennylyn Mercado na habambuhay o for life na niyang hindi ipakikita ang anak niyang si Jazz kay Patrick Garcia. At kahit sa kamag-anak daw ni Patrick ay hinding-hindi niya ipakikita ang anak niya. Sabi pa ni Jen, tapos na ang ugnayan niya kay Patrick.

Anyway, sa binyag ni Jazz ay hindi imbitado si Patrick. At hindi raw niya ito bibigyan ng pagkakataon na magpunta sa simbahan, o makalapit sa kanila ng anak niya.

At kung sakaling magpumilit man daw si Patrick na magpunta sa bahay nila, sa gate pa lang daw ng subdivision nila ay ipahaharang na niya ito sa mga guwardiya.

Pero, kung pagsasamahin daw sila ni Patrick sa trabaho ay hindi niya ito tatanggihan. Kaya raw niyang humarap kay Patrick bilang artista. Pero, sa personal na buhay ay wala raw siyang panahon dito.

Itinanggi rin ni Jen na may bago siyang la­laki ngayon. Hindi raw ang lalaki ang puwedeng makapagpasaya sa buhay niya ngayon.

“Mas gusto kong mag-focus sa trabaho. Kaila­ngan kong mag-work para sa anak ko,” sabi niya.

Sa totoo lang, kapansin-pansin ang mala­king boobs ni Jennylyn nga­yon.

Sabi niya, kahit itinigil na niya ang pagpapa-breastfeed sa baby niya, may mga lumalabas pa rin daw gatas sa kanyang dibdib.

Hindi rin ikinahiya ni Jen na aminin na marami siyang kamot sa kanyang tiyan dahil sa pagbubuntis niya. Pero, ginagamot na raw ito ng dermato­logist na si Cathy Valencia.

Siyanga pala, ayaw ikuwento ni Jen kung ano ang mga pinaggagawa niya sa One Night Only, kasama sina Dia­na Zubiri, Katrina Halili, Alessandra de Rossi, at Valerie Concepcion, pero sinisiguro niya na matutuwa at magugulat ang mga fans niya sa mga eksena niya.

Source: Abante