Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn love pa rin ni Mark

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Sa kapapanood namin kay Lolit Solis nu'ng Linggo sa Showbiz Central, hindi tuloy namin napigilan ang maaliw sa mga pi-nagsasabi ng mabait at kontrobersyal na mana-ger.

Sa inaabangang portion na Don't Lie to Me kung saan nakaupo sa hot seat ang mga panauhin, inamin ni Manay Lolit na babae ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Mark Herras at EB Babe Lian Paz.

Well, hindi naman kami nagtataka kung nauwi man sa hiwalayan ang relasyon ng dalawang ito dahil sa umpisa pa lamang ay naging maintriga na ang relasyon nila.

May mga babaing nali-link kay Mark. At bukod pa riyan, may ilan ding nali-link na guys kay Lian na diumano'y pinagselosan din ni Mark.

Pero, ang lahat nang tungkol dito ay pinabulaanan ng dalawa. Hanggang sa ito na nga, hiwalay ever na sila.

Eh, how true naman ang nabanggit ni Manay Lolit na si Jennylyn Mercado pa rin daw pala ang love ni Mark?

Well. .

What else is new?

Ito naman ang kinaaliwan namin. Ang tungkol sa pambubuking ni Manay Lolit na nagkukunwaring vegetarian lang si Yasmien Kurdi.

Hindi na kami nagta-taka kung bakit sa tinagal-tagal ng paglabas ni Yasmien at pagsasabing nagda-diet siya, tila hindi nagbago on-screen ang kanyang pigura.

In fairness, wala naman kaming masabi sa galing ni Yasmien sa pag-arte.

Sa kanya nga ipinagkakatiwala ng Siyete ang mga teleserye na magaganda, 'di ba?

Sana lang ay maging aware din ang dalaga na mas magandang tingnan on- screen kung ang bida sa isang teleserye ay bongga na sa aktingan, pabulosa pa ang pangangatawan.

Gets?

Ayaw ni JC de Vera ng ganyan, huh!

Sa pagtatapos ng segment na Don't Lie to Me, maraming nag-enjoy dahil si Manay Lolit ang guest that day.

* * *

Hindi lang pala basta pabango ang Boy Abunda for All Sexes by Joel Cruz Signatures ni Boy Abunda.

Sa press launch ng unang produktong ipinangalan kay Tito Boy, na-pag-alaman namin mula mismo sa TV host na ang bawat piso sa isang boteng mabebenta ay mapupunta sa isang educational fund. Yes, may isang educational fund na pinapatakbo si Tito Boy at sumu-uporta rin si Joel sa proyektong ito.

Malapit ang mga bata na kapos sa buhay kay Tito Boy at sa ganitong paraan ay gustong tumulong ng TV host.

Samantala, nagpaha-yag ng pagdepensa si Tito Boy tungkol sa isyung hiwalayan nina Kris Aquino at James Yap.

Hindi raw totoo 'yun

* * *

Imbes makisimpatya, karamihan ay naimbiyerna kay Snooky Serna nu'ng mag-guest ang aktres sa Startalk dahil ilang beses itong nagkamali sa pagbanggit ng pangalan ng host na nag-iinterbyu sa kanya.

Hindi nga naman natin masisisi ang manonood kung mairita sila, 'di ba?

Si Butch Francisco ang nag-iinterbyu that time kay Snooky, pero super say ang aktres ng: "Alam mo, Tito Boy..."

Nu'ng bandang huli, sinabi na mismo ni Tito Butch na, nakaka-pito na ang aktres at halatang hindi na ito nagustuhan ng TV host.

Mabuti na lang, may breeding at edukado si Tito Butch.

Tila naunawaan din nito ang magulong sitwasyon ni Snooky.

Nakatutok kami that afternoon sa GMA-7 pa-nayam na 'yun. At totoong naroon ang simpatiya at panghihinayang namin kay Snooky.

Matalino siya at wala namang kapansanan, pero bakit ganu'n ang takbo ng utak niya?

Sayang talaga!

Sa panayam kay Snooky, inamin ng aktres na kukunin na ni Ricardo Cepeda ang mga anak nila.

Sa custody na ng dating asawa mananatili ang mga bata.

Sana ay muli pa ring makabawi si Snooky.

Para sa sarili at sa kanyang dalawang anak.

Source: Taliba