|
|
| Jennylyn, lumikas dahil kay PepengAuthor: Vinia Vivar Bukod kay Angel Locsin, hindi rin apektado ng baha ang dalawa pang alaga ni Becky Aguila na sina Valerie Concepcion at Jennylyn Mercado who, in their own little way, ay tumutulong din sa mga nasalanta ni Ondoy ngayon. Kabibili lang ni Val ng bahay sa Filinvest sa Commonwealth kaya very thankful siya na hindi siya naapektuhan. Ipinagpapasalamat din niya na hindi 'yung unang bahay na tiningnan niya sa Vista Real ang kanyang nabili. Katapat kasi 'yon ng bahay nina Jean at Jennica Garcia at muntik na sana niyang bilhin. Kung natuloy pala, pareho sila ng kapalaran ngayon na lumubog ang bahay. Si Jennylyn naman, sa Vista Real nakatira, pero sa mataas na lugar, kaya hindi naapektuhan. Naging bukas naman ang bahay niya para sa mga kapitbahay na binaha, including Jean and daughter Jennica na pansamantalang nakituloy sa kanya. Pero dahil sa bagong bagyong Pepeng, natakot si Jen sa malakas na hangin na idudulot nito kaya pansamantala siyang lumikas sa mas safe na lugar. "Since puro hangin nga ang dala ni Pepeng at nasa mataas silang lugar, natakot naman siya na baka magiba ang bahay niya dahil medyo nakayuko 'yung bahay," sabi ni Tita Becky. Source: People's Tonight |