Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn, nami-miss ang pagka-conservative ni Mark

Author: Nitz Miralles

Kinilig ang fans nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa mga sagot ng huli sa mga tanong ng kapareha niya sa Ikaw Sana sa Showbiz Central.

Sa tanong ni Mark kung may pag-asa siya kung manligaw uli siya kay Jennylyn, "of course" ang sagot ng aktres dahil 'di niya sinasara ang puso niya sa kapareha. Nami-miss din daw ni Jennylyn ang pagka-conservative ni Mark.

Na-interview din si Dennis Trillo na sinabing nagpapaka-busy siya sa trabaho para hindi laging naiisip ang nangyari sa kaibigan niya sa Boracay. Ibinalita rin nitong malapit na ang shooting ng Mano Po 6 at excited siya dahil first time niyang makakasama si Sharon Cuneta.

May interview din kay Katrina Halili kung saan itinangging may show siya sa isang Bar dahil ang tinanggap lang niya ay ribbon cutting sa opening nito. After Rosalinda, umaasa si Katrina na muling bibigyan ng show ng GMA-7.

Source: People's Tonight