Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jennylyn, nawalan ng boobs!

Jennylyn, nawalan ng boobs!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

Inamin ni Jennylyn Mercado na napanood na niya ang sex video ni Katrina Halili kay Hayden Kho.

Magkasama sa unang batch ng StarStruck ang dalawa, kaya naging malapit din sa kanya ang sexy actress.

“Dalawa o tatlo yata 'yung tiningnan ko. Siyempre, curious din ako kung totoo ba? Gusto ko ring malaman kung siya ba talaga? 'Yun lang ang reason ko kaya ko tiningnan na,” bungad na kuwento ni Jen nang makausap namin sa presscon ng Suspetsa episode ng SRO Cinemaserye ng GMA.

So, ano ang naging reaksiyon niya sa sex video?

“Sobra! Hindi ko alam. Nu'ng time na napanood ko... Ayokong mag-comment doon kasi wala ako sa lugar para magsalita pagdating kay Hayden.

“Nakakalungkot lang at nakakabigla!” katwiran ni Jen.

Eh, kumusta naman siya after ng concert niya? Marami nga ang naawa sa kanya sa concert na 'yon.

“Totoo po talaga 'yon! Ginawa ko ang lahat. Nag-steroids ako para bumalik ang boses ko. Siguro anim na gamot 'yung iniinom ko. Double dose 'yon.

Ganoon na ko ka-depress noon para bumalik 'yung boses. It helps daw sa throat lalo na at maga 'yung lalamunan ko.

“After ng storycon ng SRO, mainit ako at dinala ako sa ospital dahil wala talaga akong boses. The day before the concert 'yon.

“Nu'ng concert ko mismo, may trabaho pa ako. Ganoon ka-hectic kaya bumigay ang katawan ko!

“Mabuti nga nga­yon, medyo okey na dahil nu'ng nakaraan, butu-buto na ako!” sabi ng aktres.

Aminado si Jen na nasaktan siya sa mga akusasyon sa kanya noon na kesyo gumimik lang siya.

“Nakakalungkot lang talaga. Napansin naman nila sa concert na labas na ang buto ko sa balikat. After that, nakakakain na ako. Stress-related lahat sa tingin ko.”

Hindi ba siya nagba-vitamins?

“Nagti-take naman ako. Nangyari lang ito pagkatapos kong manga­nak.

Parang lagi akong mabilis mapagod! Saka nawala 'yung boobs ko! Ha! Ha! Ha!” natatawan­g sabi ni Jen.

Bukod sa pagtatapos ng Paano Ba Ang Manga­rap?, gagawa ng indie film si Jen titled Gabriela. Hindi naman niya alam kung siya ang makakapareha ni Dingdong Dantes sa local version ng Stairway To Heaven.
***

Dadayo naman sa Dagupan City ang Kaserola Ng Kabayan ng Eat Bulaga Summer Caravan ngayong Linggo. Gaganapin sa umaga hanggang hapon ang kasiya­han sa Stadia, Lucao District, Dagupan City.

Magbibigay-saya bilang hosts sina Ruby Rod­riguez, Anjo Yllana at Tito Sotto. Special guest naman ang Sex Bomb Dan­cers.

May chance manalo ng P5,000 cash sa raffle ang manonood. Bukod pa 'yan sa mga Eat Bulaga souvenir items, gift packs mula sa sponsors at P10 thousand cash mula sa Kaserola ng Kabayanan.

Sa mga gustong suwertihin sa pakulong ito ng Bulaga, aba, buy lang kayo ng produkto ng Rebisco Sandwich, Tuseran, Alaxan FR, Sunsilk, Maggi Sinigang, Eight O' Clock Juice, Champion detergent at Tiki Tiki.
***

Kumakalat ang tsismis na after ng sex vide­o ni Katrina Halili with Hayden Kho, ang vide­o naman ni Rufa Mae Quinto with Hayden ang mabubuyangyang!

Handa na ba ang sexy comedienne na harapin ang bagong kontrobersiyang ito sa kanyang buhay na natapat pa sa birthday niya? Puwes, aba­ngan ang Showbiz Central ngayon Sunday!

Si Roderick Paulate naman ang isasalang sa Don't Lie To Me after ng success ng movie niyang Ded Na Si Lolo at si Rich Asuncion naman ang uupo sa Intriga XFire!
***

Always a contestant but never a winner ang drama ni Kim Idol sa All Star K nina Jaya at Allan K. This Sunday, hayun at umariba muli ang bagong Dabarkads ng Eat Bulaga sa videoke show kasama ang sina Angelu de Leon, JC Tiuseco, Moymoy Palaboy, Che Che Tolentino Vanessa Rangadhol at Eduoard George (ng Hole in the Wall).

This time kaya, palarin na si Kim na ma­ging winner after ilang attempt?

Naku, comedy ang episode ng All Star K this Sunday kaya abangan!

Source: Abante