|
|
| Jennylyn rumaket sa abroad para makabayad sa tumalbog na tsekeAuthor: Joferd Nievera SA punto ng pananalita ni Jennelyn Mercado tila wala talagang balak ipakita ang anak kay Patrick Garcia. Kaya kung kami si Pat maigi pang daanin na lang nito sa legal na paraan ang lahat para makita ang anak at maputol na ang pagmamatigas ni Jen. Tingin namin, bilang ama, may karapatan si Patrick na makita at masilayan man lang ang anak sa singer/actress. Dugo at laman niya ang bata kaya hindi dapat pagkaitan ng karapatan ang aktor. Samantala, rumaket daw nang husto sa U. S. itong si Jennelyn para sa ganu'n ay may pambayad ito sa mga tsekeng tumalbog na pinapalitan umano nito sa isang negosyante. Matindi raw ang banta ng nasabing negosyante kay Jen na kung hindi raw nito bayaran ang tsekeng tumalbog maraming kaso ang tiyak na aabutin niya. Tiniis talaga ni Jennelyn na pansamantalang mawalay sa anak alang-alang sa mga tsekeng ito na tiyak magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo at kahihiyan. * * * MUKHANG mauudlot pa yata ang napipintong pag-iibigan nina Shaina Magdayao at John Pratts lalo't nasa dating stage pa ang kanilang relasyon? Kung hindi sila magkaka-tuluyan alam na natin ang dahilan,si Jake Cuenca na leading man ng magandang aktres sa Dragonna ng Komiks Presents ng Kapamilya network. Kamalas naman talaga ang panliligaw ni John kay Shaina dahil nasingitan agad siya ni Jake. Pero para sa amin, testing ito sa kapatid ni Camille Pratts kung paano niya ipag-lalaban ang pag-ibig sa sister ni Vina Morales. Sa December 13 na mapapanood ang Dragonna at bahala na ang mga manonood na humusga kung sino ang bagay kay Shaina, si John ba o si Jake? Basta dito rin ninyo malalaman kung sino sa dalawang aktor ang mas matinik sa chicks. 'Di ba, John and Jake! Teka parang hilig din ni Shaina ang letter J na umpisa ng pangalan. * * * TALAGANG mala-diyosa ang kagandahan ni Karylle sa suot nitong red-orange gown habang kinakanta ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa nakaraang laban ni Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya sa Las Vegas . Maraming Pilipino, Mexican at American audience na naroon ang na-impressed sa anak ni Zsa Zsa Padilla kaya todo congratulate ang ipinaabot nila sa singer/host. Kabado man sa una, agad namang nakabawi si Karylle kaya maayos siyang nakapag-perform na umani ng masigabong palakpakan lalo sa parte ng mga Pinoy. Ngayong tapos na ang laban ni Pacman kung saan siya ang itinanghal na kampeon, tapos na rin ang mga naka-sked na proyekto ni Karylle sa GMA7. Kaya pagdating na pagdating niya ng bansa ay nakatakda na rin itong pumirma ng kontrata sa ABS-CBN 2 para tuluyan lisanin ang Kapuso network. Tatlong programa ng Dos aapir si Karylle kung saan sa December 14 sa ASAP una itong lalabas bilang pinakabagong miyembro nito. Makakasama ng magandang singer ang inang si Zsa Zsa na noong una pa man ay kontra na sa pagpunta nito sa SOP. Maging ang ama raw ni Karylle na si Dr. Tatlonghari ay una pa man kontra na rin sa relasyon ng anak kay Dingdong Dantes. Alam daw ng doktor na hindi magiging maligaya ang anak sa piling ng aktor, na siya ngang nangyari. Source: Taliba |