Nov 20
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Jericho, Anne magsasama

SINO ang mauuna, gigitna at mahuhuli sa Bench Blackout fashion show? From a very popular blog site of Pinoy men, may insider news na tinalakan daw ng may-ari ng Bench ang mga baklang gustong pumapel sa gagawing fashion show this July. Kani-kanyang mg...

 

Jericho, Anne magsasama

Column: Daily Insider
Author: Dinno Erece

SINO ang mauuna, gigitna at mahuhuli sa Bench Blackout fashion show?

From a very popular blog site of Pinoy men, may insider news na tinalakan daw ng may-ari ng Bench ang mga baklang gustong pumapel sa gagawing fashion show this July.

Kani-kanyang mga manok kasi ang mga ba-ding kung sino ang magbubukas at magsasara ng show and may tatlong naglalaban-laban for this, Piolo Pascual, Dingdong Dantes and Richard Gutierrez.

May mga gustong mauna si PJ, meron si Richard at mayroon din si Dingdong. Si Ben Chan na raw ang nagdesisyon.

Si Dingdong ang magbubukas ng show. May dramatic entrance si Richard sa kalagitnaan at si PJ ang last to walk the ramp.

Teka, bakit hindi nga nag figure sa decision sina John Lloyd Cruz and Sam Milby na rarampa rin that night?

That is to be decided pa siguro.

* * *

SI Jericho Rosales ang bagong ipa-partner kay Anne Curtis.

Nakakuha na kami ng balita kung sino ang ipa-partner kay Anne sa MMFF 2008 entry ng Viva Films na Baler.

This is a fictionalized love story with a historical background during the siege of Baler during the Spanish era. Sa listahan kasing provided ng Viva when the script of Roy Iglesias was submitted, wala pa siyang leading man.

Si Echo na nga ang napili para ipares kay Anne. To be directed by Mark Meily, makakasama rin sa cast sina Mark Bautista, Carlo Aquino and Desiree del Valle among others.

This will be a solo production of Viva Films na nagsisipag this year and Anne is their biggest star sa Viva Artist Agency kaya natural lang na sa kanya ibigay ang movie.

Makakalaban niya ang kaniyang 'mommy' sa Ang Cute Ng Ina Mo na si Ai Ai delas Alas na mayroong Tanging Ina Niyong Lahat.

* * *

AT na-preempt nga ang Tasya Fantasya last Sunday.

Hindi kami natimbrehan last Sunday although we had an inkling na mapi-preempt nga ang fantasy show nina Yasmien Kurdi and Rainier Castillo now on its last two episodes after Pinoy Idol Extra.

May Pacquiao fight nga last Sunday that broke another ratings record so Tas-ya ang na-preempt to give way to that historical fight.

Anyways, last two episodes na nga lang ang Tasya at patay pa rin siya. Special guest stars for this episode are Alyssa Milano and Paolo Paraiso.

Kay Alyssa mapupunta ang kaluluwa ni Tasya played by Yasmien at kay Raz naman siya hihingi ng tulong dahil tinutugis siya ni Paolo who turns out to be the messenger from Tasya's world para ibalik siya sa mundo nila bilang prinsesa.

Next week na ang pagtatapos ng Tasya Fantas-ya.

* * *

MAY mga fans club na ang Pinoy Idol hopefuls.

Nakakatuwang magbasa ng mga Internet websites like Pinoy Exchange and such dahil kani-kanyang mga fans club na ang natitirang Idol hopefuls at very imaginative ang mga fans club names nila ha.

Si Kid Camaya, very active ang kanyang Kid Coalition fans club and so are the fans supporting Robbie Navarro na ROBBIELIVERS.

Si single-named Penelope naman, may Peneloppines na parang katunog ng pangalan ng bansa natin.

Hindi nga ba't naikuwento namin na nagkalat ang mga tarpaulin ni Gretchen Espina sa Leyte mula pa lang sa airport ng Tacloban hanggang sa makatawid kami sa San Juanico bridge?

Naku, mamaya sa third elimination night na live sa SM Mall of Asia Center Stage at ipalalabas sa GMA after Kap's Amazing Stories, isa na naman sa kanila ang matatanggal.

Kaya nga the less support from fans, the bigger chance na malaglag.

Source: Taliba