| | Jericho Rosales on reconciling with Heart Evangelista: 'It is not the right time' Author: Bernie Franco Sa pinakamahirap na tanong sa The Buzz Tough Ten ngayong Linggo, napa-isip si Jericho Rosales ng todo kung sinong ex-girlfriend ang babalikan niya kung magkaroon siya ng pagkakataon - si Kristine Hermosa, Cindy Kurleto o Heart Evangelista. "With Kristine, things were beyond my control. Whatever happened it was on her side," simula ng aktor. "Hindi ko talaga kontrolado ang bagay na 'yon. It would have been good kung hindi kami (nagkahiwalay). Nagkaroon ng problema si Tin." To further elaborate, dinagdag pa ng aktor na mabuti nga siguro kung naayos ang problema nila noon ni Kristine dahil pabor ito hindi lamang sa kanilang dalawa kundi sa kanilang careers. Pero sa huli si Heart Evangelista ang piniling balikan ng binata kung sakaling magkaroon ito ng chance. "If I would be honest with myself, siyempre kung maayos ko 'yung mga pagkakamali ko sa huli kong relationship, I'd go back to my last." Gayunpaman, idinagdag ng aktor na alam niyang huli na ang lahat para sa kanila ng dating girlfriend at nagpapakatotoo lamang siya sa kanyang sagot. Sa iba pang tanong tungkol sa kanyang recent ex, sinabi ni Echo na naka-move on na siyang talaga mula sa kanilang break-up ni Heart. Ayon pa sa aktor kung hindi siguro siya naintriga sa kanyang leading ladies na si Carmen Soo at Brianna Evigan ay malamang ay sila pa siguro ni Heart ngayon. Sa tanong naman na kung papayag ba siyang makipagbalikan kay Heart kung bigla itong mag-text at sabihing let's start over again, nabigla ang lahat na tatangihan ito ng aktor. "The timing is not right so, no.I know that she won't do that (reconcile with him), but 'yung timing namin (is not right). I don't think (it's going to work), but we could be friends." On his newest leading lady, Anne Curtis, isang 'Yes or No' question ang ibinato kay Jericho. Speechless siya nang tanungin kung possible bang ligawan niya ang Fil-Australian beauty. Gusto man magpaliwanag ay walang ibang nasabi si Jericho kundi ang 'Oo' sa gitna ng hiyawan ng audience sa studio. Sa tanong naman na kung ano ang pinakamalaking tagumpay at kabiguan na naranasan niya sa kanyang buhay mas piniling unahin ni Echo na sagutin ang kanyang biggest failure. "When I messed up pretty bad sa paggawa ko ng desisyon sa buhay ko at saka sa career ko," pagtukoy ni Echo nang biglang nanamlay niyang kanyang career noong magpahinga ito sa pag-arte at mag-focus sa pagkanta. Pero mula dito rin naman nanggaling ang most successful moment sa kanyang buhay. "I think the most successful is that bumangon ulit ako and I got it back and I learned from my experiences." Sa kanyang career pa rin, sa ranking daw ngayon sa showbiz ay pangatlo lamang siguro siya kung ikukumpara kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. "I'd just put myself in third lang. Okay lang sa akin 'yon. Okay na ko sa third para I can keep on going up," paliwanag ng aktor na pinalakpakan naman ng audience. Dagdag pa ni Jecricho, he's more confident now at walang takot na madarama kung mawala man ang lahat sa kanya. "Hindi ako natatakot kahit anong bagay ngayon because I know now that I have a purpose... Kahit na tumigil ako noon bumalik pa rin ako. Feeling ko talaga may silbi ako kung bakit ako bumalik dito. I always think about the little ones, the mommies, that when I try to do my best, I think, I inspire them. That's my purpose, I inspire them." Source: ABS-CBN Interactive |
|