|
|
| Jericho at Kristine loveless, may balikan![]() Author: Aster Amoyo Maraming kasamahan natin sa trabaho ang nagtatanong sa amin kung totoong nag-pull out ang ABS-CBN Star Magic ng kanilang mga stars na makakasama sana ni Katrina Halili sa pelikulang One Night Only na ididirek ni Jose Javier Reyes at isa sa mga official entries sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi umano pumayag ang Star Magic na gawing suporta lamang ang kanilang mga stars kay Katrina. Sa totoo lang, nagulat kami sa balitang ito. For one, hindi supporting role ang magiging papel ng mga ibang co-stars in the movie ni Katrina dahil pare-pareho silang bida in the movie at meron silang kani-kanyang highlight sa pelikula. Pero kung anuman ang kahihinatnan ng negosasyon sa pagitan ng OctoArts Films na siyang producer ng One Night Only at ng Star Magic ay hindi pa natin alam. Samantala, mukhang gumawa ng ingay ang pagpirma ni Katrina ng multi-picture contract sa OctoArts dahil bukod sa pull out issue, nag-react din umano ang Regal Films' producer na si Mother Lily Monteverde dahil meron pa umanong natitirang kontrata sa kanila ang GMA sexy star. Hindi pa man nakapagsisimula si Katrina ng kanyang unang project sa OctoArts ay inuulan na kaagad ito ng mga intriga. Bukod sa One Night Only, nakatakda ring gawin ni Katrina ang remake ng classic movie ni Vilma Santos, ang Miss X na ididirek din ng original director ng pelikula na si Gil Portes. Bukod kay Katrina, napag-alaman din namin na kasama rin sa One Night Only sina Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Iya Villania at iba pa. * * * May plano pala ang Star Cinema na muling pagsamahin sa pelikula ang dating loveteam sa reel and real life na sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales at hindi rin malayong muli silang pagsamahin sa isang TV series tulad noon sa matagumpay na Pangako Sa 'Yo. Parehong loveless sa ngayon sina Echo at Kristine kaya hindi rin malayong ma-rekindle ang kanilang dating relasyon. Hiwalay na si Jericho kay Heart Evangelista at ganoon din naman si Kristine kay Diether Ocampo. Since may following na ang tambalan noon nina Kristine at Jericho, siguro muli itong masusubukan kung muli silang pagtatambalin hindi lamang sa pelikula kundi maging sa isang bagong TV drama series. * * * Hindi nagdalawang salita si Vic Sotto sa pag-aming susuportahan niya ang move o nominasyon sa kanyang Dobol Trobol co-star na si Dolphy na mahirang na National Artist. Ayon kay Vic, very deserving at panahon na rin na ipagkaloob sa comedy king ang pagiging National Artist dahil sa mga naiambag nito sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahigit na anim na dekada. Sa edad na otsenta, wala pa ring balak si Dolphy na magpahinga hangga't kaya pa niyang magtrabaho at hangga't patuloy na may dumarating na trabaho sa kanya. Although mag-isa lang si Dolphy, hindi ito nagkait ng pagsasabing si Vic ang pinakamalapit sa kanyang trono bilang comedy king. Samantala, kung natupad na ni Vic Sotto ang makatrabaho si Dolphy sa pelikula, isa rin ito sa mga pangarap ng megastar na si Sharon Cuneta, ang makatrabaho ang comedy king. * * * Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy, ito'y matandang kasabihan na nangyari sa nagkahiwalay na mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano na muling nagkabalikan kamakailan lang. Ang buong akala ng marami ay Bagong buhay ngayon ang mag-asawa sa kanilang bagong bahay sa Tivoli Royale in Dahil back to each other's arms ngayon sina Sunshine at Buboy, isasama ng huli ang kanyang misis sa Beijing sa August 17 na susundan ng kanilang travel sa Amerika sa susunod na buwan. Hindi naman kaya masundan muli ang kanilang Tres Marias na tsikiting? * * * Sa presscon ng Slendance, ang easy-to-follow 30-minute dance workout video, inamin ng seksing single mom na si Valerie Concepcion na nakaka-relate siya sa pinagdadaanan ngayon ng kanyang kaibigan, ang singer-actress na si Jennylyn Mercado na nakatakdang magsilang ng kanyang lovechild anyday now. Tulad ni Val na iniwan at tinalikuran ng ama ng kanyang anak nang malaman nitong buntis siya, pinagdadaanan din ito ngayon ni Jennylyn dahil tinalikuran din siya ni Patrick Garcia sa kalagitnaan ng kanyang pagbubuntis. Pero sa halip na ma-discourage at ma-depress, ipinagpatuloy ni Valerie ang kanyang showbiz career at nagpapasalamat na muli siyang pinagbuksan ng pintuan sa magagandang opportunities na dumating at patuloy pang dumarating sa kanya. Umaasa si Valerie na ganoon din ang mangyayari kay Jennylyn. * * * Source: The Philippine Star |