Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jessa at Dingdong, pinayuhang maghiwalay!

Jessa at Dingdong, pinayuhang maghiwalay!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

PINAYUHAN pala sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na maghiwalay. Pero, hiwalay lang daw sa career at hindi sa totoong buhay.

Ang manager nilang si Arnold Vegafria ang nagpayo sa kanila na gawin `yon. At luckily, nagtagumpay naman sila, dahil nabiyayaan ng major role si Jessa sa Rosalinda at si Dingdong naman ay naipagpatuloy ang pagi­ging singer-performer.

'Yun nga lang, hindi pa rin nasusundan ang 6-year old daughter nila. Mukhang nagpipigil silang masundan ang pa­nganay nila.

“Hindi naman! Conscious effort sa aming da­lawa ni Jessa 'yon. After naman ng kasal namin, we waited for 2 years at saka kami nag-baby.

Nakaplano naman 'yon kaya lang, nu'ng later part of our married life, panay ang tour namin,” pahayag ni Dingdong.

Pero sexy pa rin si Jessa, huh!
“Oo! You have to keep yourself active talaga! In every aspect! Saka nagdi-gym siya!” sabi pa niya.

Teka nga pala, nu'ng nasangkot sa kontrobersiya si Jessa with his exes, Rufa Mae Quinto at Rachel Alejandro, choice ba niyang tumahimik?
“I'm really a man of few words. As much as possible ayokong magsalita unless meron lang i-clarify! I've said my piece on both issues. Hanggang doon lang 'yon. When I say my piece, hindi para mang-away! Bring back the past bust just to set the records straight. We've all moved on!” paliwanag ni Dingdong na kasama sa show nina Gov. Jade Ecleo at Ai Ai delas Alas sa Aliw Theater sa Sept. 12.***

Umaasam pa rin pala si Mart Escudero na magkakabalikan sila ng ex- girlfriend na si Jennica Garcia. Lalo ngayong may nilulutong project na muli nilang pagsasamahan.

“Nag-uusap pa rin naman kami ni Jennica pero wala pa rin. Siyempre, nami-miss ko na siya dahil ang tagal na naming hindi nagkasama sa trabaho. Nagti-text naman kami. Busy rin kasi siya. “Pero, posible 'yung reconciliation sa amin. Matagal ko na siyang nililigawan uli!” kuwento ni Mart sa amin nang makatsikahan namin sa taping ng Rosalinda.

Eh, karibal daw niya ngayon si Paolo Avelino kay Jennica?
“Hindi naman! Kinausap ko siya (Jennica) pero hindi naman daw,” sagot ni Mart.

Pagdating naman sa pagpapaseksi, pinagha­handaan na ito ni Mart para sa isang launch ng isang magazine. Hindi naman siya maarte pagdating sa pagpapakita ng katawan, o kahit maging sex object siya?
“Wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto nila sa akin! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Mart.

Baka naman gusto niyang ipakita kay Kris Bernal na naging syota niya na mas seksi siya kesa kay Aljur Abrenica?

“Hindi naman! Tapos na 'yung kay Kris, huwag na nating pag-usapan!”
Siyanga pala, hindi nagpatalbog si Carla Abellana kay Sheryl Cruz sa aktingan nu'ng episode last Thursday and Friday ng Rosalinda. Marami rin ang nakapansin na mas bagay kay Carla ang light make up dahil lumutang ang ganda nito't kabataan, huh!

Source: Abante