May 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jewel Mische, naduwag sa bed scene!

Jewel Mische, naduwag sa bed scene!

Author: Abante

DAPAT manghinayang nang husto si Jewel Mische sa opportunity na pinakawalan niya, nang diumano ay nag-back-out siya sa shooting ng Bente. Ang bente ang pa­ngalawa sa huling pelikulang ipapalabas ng Sine Direk.

Isa rin ito sa pelikulang hindi pa natatapos i-shoot nang i-launch na ang Sine Direk Festival kaya natural lang na may deadline na hinaharap ang production ng movie dahil hindi pa man nasu-shoot ay may playdate na ito.

Pero naloka na lang daw ang staff at crew ng Bente dahil sa mismong araw ng shooting ni Jewel - na ayon sa nakarating sa amin ay nag-audition pa for the role - ay bigla na lang daw itong umalis at hindi na itinuloy ang shoot, lalo na nang makita raw nito ang director ng mo­vie na si Direk Mel Chionglo.

Ang sabi, tila natakot daw si Jewel sa bed scene na nakalagay sa script na kailangan niyang gawin with Aldred Gatchalian. Nagtataka lang daw ang staff ng mo­vie dahil nang mag-audition pa lang daw si Jewel last year, na at that time, buhay pa si Marky Cielo, na gaganap sana sa role ni Aldred, alam na raw ni Jewel na may ganung eksenang gagawin.

Kaya naman on the spot daw, nang umalis si Jewel sa location na hindi pa nakakapag-shoot, naghanap kaagad ng puwedeng ipalit dito. At si Glaiza de Castro nga ang nakuha na minsan na ring naidirek ni direk Mel sa movie.

Hindi na lang namin isusulat kung ano ang nakarating sa aming reaction o opi­nion ng mga nakaalam sa pangyayari. Siyempre, hindi maiwasang ikumpara si Glaiza kay Jewel.

Pero siyempre pa rin, may iba na nagbabansag kay Jewel na unprofessional daw dahil sa pag-back-out sa shooting.

Ayon pa sa aming source, nakuhanan na raw ang sinasabing bed scene nina Aldred at Glaiza, na tinanggihan ni Jewel sa Bente. At sey ng aming source, napaka-wholesome raw ng shot.

Well, dapat ngang manghinayang si Jewel, na kahit baguhan pa lang siya ay siya ang napili ni direk Mel. Gusto nga kasi ni direk Mel na tumulong sa mga baguhan, pero binalewala nga `yon ni Jewel.

Sa totoo lang, for a newcomer like Jewel, puwede sana niyang maipagmalaki ang makagawa ng movie na tulad ng Bente na ang makakasama niyang artista ay mga de-kalidad. Not to mention, mai-handle pa sana siya ng isa sa batikang director sa bansa.

Source: Abante