Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Jewel ayaw makipaghalikan kay JC

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

INAYAWAN ni Yasmien Kurdi si JC de Vera na makasama sa bagong episode ng Dear Friend na "Special" na mapapanood na sa October 25.

Mismong si JC ang nagbalita nito nang makausap namin sa set ng mini-series.

"Akala ko nga si Yasmien ang makakasama ko rito, eh, ayaw niya at hindi ko alam kung bakit," kuwento ni JC sa amin.

Parang totoo tuloy na nagkahiwalay sila sa huling soap nilang nilabasan na magkaaway.

At hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakabati.

* * *

HINDI na mapigilan nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes na magkalapit nang husto mula nang magkasama sila sa Patient X, ang pelikulang produce ng GMA Films, Viva Films at RGutz Productions ni Chard.

Pinagtiyap pa ng pagka-kataon na naging savior ni Cristine si Chard nang lumubog sa baha ang bahay ng aktres sa Provident Village dahil sa bagyong Ondoy.

Nabuko pa nga na mag-kasamang nag-unwind ang dalawa sa Subic with some friends. Marami raw ang nakakitang panay ang yakapan ng dalawa, magka-holding hands at nakahawak pa si Chard sa baywang ni Cristine, huh!

Ang tanong, may magalit kaya sa sweetness ng dalawa? Si Cristine ay madalas sabihing loveless ngayon, ewan lang namin kay Chard, noh?

Mapapanood na ang Patient X sa October 28 at may premiere night sa October 25 sa SM Manila.

* * *

Napuntahan namin ang set ng Dear Friend sa bagong episode nitong "Special" sa Guiguinto, Bulacan.

Andun siyempre si Direk Mark Reyes at puring-puri niya ang bida ng "Special" episode na si Jewel Mische.

Magaling na raw sa drama si Jewel na parang may pinaghuhugutan sa pag-iyak ayon kay Direk Mark. Wala raw siyang problema kay Jewel at napaka-cooperative sa set. Kabaligtaran sa mga bali-balita noon na parang hindi seryoso sa kanyang career ang magandang dalaga. Nang tanungin si Direk kung may kissing scene sina Jewel at JC deVera, sinabi nitong wala sa request na rin ni Jewel kasi may magagalit daw.

Hindi na namin inurirat kung sino 'yun, noh!

* * *

NAPUNTA naman kay Ynna Assistio ang usapan at nasabi ni Direk Mark na wala siyang masabi sa ginawang preparasyon ni Ynna sa role bilang semi-retarded.
Always ready daw si Ynna sa mga eksena kahit pa mahirap itong gawin.

Tinanong namin si Ynna kung ano ang preparasyon niya for the role at ikinuwento niyang nagpa-workshop siya kay Jay Aquitania. Nag-uumpisa daw silang mag-workshop from 10 p. m. hanggang alas-2 ng madaling-araw.

Ganun nag-effort si Ynna kaya nagkaroon siya ng self-confidence na gampanan ang role ng isang retarded. Isa pang tumulong kay Ynna ang acting coach na si Anne Villaegas na laging nakaalalay sa kanya sa set ng Dear Friend.

* * *

SPEAKING of Ynna, inamin din niya na consistent ang pagpaparamdam ni Mark Herras para umakyat ng ligaw sa kanya.

Noon kasing unang nagnagparamdam si Mark ay bawal pang ligawan si Ynna dahil bata pa siya. Pero ngayong 18 na siya ay tuloy sa pagtitiyaga si Mark.

Hindi naman sure si Ynna kung tatanggapin ang panliligaw ni Mark dahil priority niya ngayon ang kanyang career, na isa na rin sa talents ni Annabelle Rama.

From ABS-CBN ay bumalik siya sa Siyete para muling gumawa ng project.

"Mas at ease ako sa Si-yete siguro dahil dito kasi ako nagsimula. Napunta lang ako sa Dos dahil sa alok ni Direk Bobot ng George and Cecil at bumalik ako sa Siyete nang matapos ang character ko sa sitcom nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo," say ni Ynna.

* * *

MASARAP panoorin ang SOP ngayong Linggo dahil laging star-studded ang show. Present si Michael V para i-promote ang bagong programa niyang Showwwtime na mapapanood every Saturday.

At hindi rin mawawala ang buong barkada nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs at Jaya.

* * *

Hindi na mapigilan nina Jennica Garcia at Mart Escudero ang mga damdamin sa finale episode ng "3 Bachelors" ng Dear Friend nga-yong hapon pagkatapos ng SOP.

Gayundin sina Kyla at JayR sa kanilang love story sa mini soap. Natutunan nang mahalin ni Kyla si JayR na ikinasiya ni JayR kaya abangan natin ang masayang ending ng kanilang love story.

* * *

MAAARING mapaaga ang showing ng remake ng movie ni Fernando Poe Jr. na Ang Panday ni Bong Revilla.

Magkakaroon ng problema si Bong sa playdate nito kapag ipinalabas sa MMFF sa December.

Sure na kasing kakandidato siyang senador sa 2010 at may batas na nagbabawal na lumabas sa media ang sinumang kakandidatong politiko.

Anyway, tuloy ang pag-host niya sa Kap's Amazing Stories ngayong hapon kung saan tampok ang istorya ng mga kalamidad bunga ng industrialization sa buong mundo.

* * *

HINDI nagpaawat ang contestants ng Celebrity Duets 3 last Saturday dahil malalaking pangalan sa industriya ang kanilang naka-duet.

Napapayag kasi ni Gina Alajar na maka-duet niya si Christopher de Leon habang si Niccolo Cosme naman ay si Kyla ang naka-duet. Ang boksingerong si Nonito Donaire ay si Mitch Valdez ang nakasama sa biritan at ang magaling na host ng Eat Bulaga na si Lougee ang naka-duet ni Jomari Yllana.

Hindi rin nagpahuli si Akihiro Sato dahil ang kinuha niyang maka-duet ay si Kris Lawrence.

* * *

KAHIT wala sa Manila si Manny Pacquiao, tuloy pa rin ang kanyang Pinoy Records kung saan punung-puno ng excitement ang kanilang Pinoy Extreme Talent portion, gayundin ang kuwento ng isang lalaking ka-yang buuin ang Rubick's cube na naka-blindfold at isang babaing nag-perform ng "extreme version" ng Pandanggo sa Ilaw.

Habang nakipagtagisan ang Starstruck graduate na si LJ Reyes kay Survivor Philippines Palau castaway Jef Gaitan para maging Cheerleading Queen!

Source: Taliba