|
|
| Jim Fernandez magdedemanda sa gagawa ng remake ng Zuma!Author: Ogie Diaz KANINO kaya galing 'yung press release na may gagawa ng remake ng Zuma at si Dingdong Dantes ang kinu-consider? Ang lumalabas: Si Carlo Maceda ang magpu-produce ng naturang remake. Si Carlo rin ba ang nagkakalat? Kasi, nakarating sa tunay na may-ari ng Zuma character, title at story ang nasabing tsika at 'pag hindi pa raw tumigil sa kape-press release ay magdedemanda na ang writer nitong si Jim Fernandez, na nasa U. S. ngayon at 'yung lawyer lang nito ang pinakikilos. Ano kaya'ng reaksyon dito ni Carlo? * * * AND speaking of Zuma, nabili na ng ABS-CBN ang TV rights ng Anak ni Zuma, kung saan ang gaganap na Galema ay walang iba kundi si Anne Curtis. "Juice ko, noon ko pa pangarap na magawa ang Anak ni Zuma, at thank God at sa ABS-CBN ipinagkatiwala ni Jim Fernandez na maisalin sa telebisyon ang super sikat na character sa komiks. "Naghahanap kami ngayon ng gaganap na Zuma, kaya baka magpa-audition kami. " Naku, magpaganda lang ng katawan si Carlo, pasok siya sa role. * * * MASAYANG malungkot si Arlene Muhlach nu'ng taping day namin kahapon. Pa'no kasi, hindi niya personal na mawi-witness ang pagtanggap ng grade one niyang daughter na si Aliyah Muhlach Dandoy ng silver medal nito for academics. "Ang ginawa ko na lang, before she left the house nu'ng umaga, eh, inayusan ko muna siya, tapos, 'yung hair niya, inayos ko rin. "Buti na lang, mabait ang asawa ko. Siya na lang ang sumama habang nagtatrabaho ako. " Napakadakilang ina ni Arlene, sa totoo lang. From time to time, tumatawag siya sa mister, sa yaya, para kumustahin ang mga bagets. Juice ko, ganu'n din kami kaaligaga pagdating sa aming mag-iina, kaya nakaka-relate kami sa lola n'yo. Source: People's Tonight |