Nov 20
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Jinggoy, kinabog si Mikey!

Congrats kay Sen. Jinggoy Estrada, dahil tama ang kutob ng mga nakapanood ng Katas ng Saudi na iuuwi niya ang Best Actor trophy. Hindi nga makapaniwala si Sen. Jinggoy na siya ang tatanghaling best actor. Aminado naman ang senador na sobrang na-depres...

 

Jinggoy, kinabog si Mikey!

Author: Ogie Diaz

Congrats kay Sen. Jinggoy Estrada, dahil tama ang kutob ng mga nakapanood ng Katas ng Saudi na iuuwi niya ang Best Actor trophy.

Hindi nga makapaniwala si Sen. Jinggoy na siya ang tatanghaling best actor. Aminado naman ang senador na sobrang na-depress siya sa resulta sa takilya ng naturang pelikulang ipinagmamalaki pa naman niya, dahil Pinoy na Pinoy ang kuwento nito.

"Eh, eto na nga lang award ang konsuwelo ko. At least, napatunayan ko, marunong pala 'kong umarte. Hahaha!"

Bukod sa best actor, tinanghal ding best screenplay ang Katas ng Saudi, kung saan ang director din nitong si Jose Javier Reyes ang sumulat at naka-tie naman nito ang Bahay Kubo sa Gatpuno Villegas Cultural award.

Biro namin kay "Best Actor Jinggoy," "O, at least . .. kinabog mo si Mikee Arroyo!"

* * *

Ang ginamit na salita sa amin ng aming source ay "nagmamakaawa" si Diether Ocampo na balikan siya ni Kristine Hermosa.

Minsan pang sinubok ni Diet na i-win ang puso ni Tintin. Umiyak daw uli si Diet kay Tintin, pero nagdayalog lang daw ang young actress na, "Mahal pa rin naman kita, eh. Meron ka pa rin dito sa puso ko.

"Pero gusto kong patunayan mo sa akin na nagbago ka na nga. "

Bakit, ano ba ang ayaw ni Tintin kay Diet?

"Hay, naku . .. mare, siyempre, aware naman ang Lola Tintin mo na nambababae 'yang si Diet, 'di ba?

"Eh, nababalitaan din niya na nali-link din sa non-showbiz gay si Diet hanggang ngayon.

"Pero sabi nga, 'di ba? Ilang babae man ang kanain ni Diet, iisa pa rin ang nasa puso niya �" si Tintin.

"Eto namang lola mo, siyempre, kaya hindi sinasagut-sagot si Oyo (Sotto), eh, dahil nandu'n pa rin ang feeling niya na magkakabalikan sila ni Diet.

"Pero alam mo, matutuwa ka kay Oyo dahil alam niya ang sitwasyon ni Tintin, kaya hindi niya pinipilit 'yung isa na maging sila na.

"Ang dayalog ni Oyo, 'basta kung saan ka masaya, masaya na rin ako. Nandito lang naman ako, eh. Naghihintay lang. '

"Mahal na rin kasi ni Oyo si Tintin. Eh, si Oyo, hindi siya playboy. 'Yun ang gusto sa kanya ni Tintin.

"Ang kaso, si Diet, gusto pa rin niyang bigyan ng chance. Mahal niya pa rin, eh!"

* * *

BLIND item: Totoo ba 'to? Dapat sana'y magiging dalawa na ang anak ni Patrick Garcia?

No, hindi kay Jennylyn Mercado pareho. Sa ibang babae.

Sino naman ang babaing ito? At bakit, ano'ng ginawa at muntik nang maging dalawa ang anak ni Patrick?

Oh, well . .. ang sabi'y hindi alam ni Patrick ito. Na "ipinahugot sa langit" ang bagets. O, kung alam man ni Patrick, wala na siguro siyang nagawa nu'ng araw.

Kaya siguro nu'ng malaman niyang buntis si Jen, ganu'n na lang ang katuwaan niya at pareho silang walang pakialam ni Jen mawalan man sila ng career.

Ang importante'y mabigyan ng buhay at kinabukasan ang kanilang magiging anak.

'Wag n'yo nang itanong kung sino ang babae, dahil promise, hindi namin sasabihin.

Sabihin n'yo nang KJ kami, hindi talaga namin babanggitin. Ayaw ni. ..

* * *

'Wag n'yong kalilimutang makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dzXL 558khz at maririnig din sa www. rmn. ph nang libre, 10:30 a. m. -12 noon.

Kung meron kayong tsikang type n'yong i-text, i-type lamang ang OGIE ON at i-send sa 2366 at sa mga TFC subscribers naman, 23661.

Source: People's Tonight